Advertisers

Advertisers

Leni’ y kay Pacquiao!

0 7

Advertisers

May mga ulat na lumalabas na inindorso ni Leni Robredo sina Manny Pacquiao at si Benhur Abalos na mga opisyal na kandidato ng administrasyon.

Ang boxing champ ang nabanggit ng ina nina Aika, Tricia at Jillian na personal presidential bet kung hindi siya natuloy tumakbo.

Noon mayroon ding balita na nag-donate si Willie Revillame ng milyon sa mga proyekto ni LGR. Gayon din may larawan na nagkalat kasama ng dating bise-presidente si Erwin Tulfo.



Ang tiyak na mga ikinakamya ng susunod na mayor ng Naga ay sina #5 Bam Aquino at #51 Kiko Pangilinan. Ang dalawa ang kasama niya sa laban taong 2022. Si Bam ang campaign manager at si Kiko naman ang kanyang ka-tandem.

Nasabi din ng biyuda ni Jesse Robredo na isasali niya si Heidi Mendoza sa senatorial list niya. Pati nga si Ka Dodoy Ballon, ang magsasaka mula sa Mindanao ay kabilang din sa kanyang talaan.

Para sa partylist ay #6 ML ang lider ng kakampink movement.

Si Pepeng Kirat na kilalang dilaw at pink ay iboboto rin niya sina Bam, Kiko, Heidi at Ka Dodoy. Pero hinding-hindi ang pambansang kamao aniya.

Kayo ba mga kababayan?



***

Natutuwa si Tata Selo na nakabawi ang Lakers, Clippers at Rockets sa Game 2 ng kani-kaniillang serye sa unang round ng NBA playoffs.

Nguni’t sa tingin niya ay magwawagi ang Golden State sa Houston sa dulo kung walang injury kay Jimmy Butler o Steph Curry.

Sa pares ng Lakers vs Wolves at Clippers vs Nuggets ay mahirap pumili. Mahigpit ang labanan.

***

Sa Lunes ay espesyal na bisita natin sa OKS@DWBL ang kauna’unahang PBA rookie of the year awardee na si Gil Cortez.

Ang 1976 ROY ay forward-center mula Pampanga. 18 laños ang si Cortez nang napunta sa Toyata sa pro league.

Kasama rin natin sa episode si Lito Cinco, ang batikang manunulat ng People’s Tonight.

Ang OKS ay mapapanood din sa YouTube at Facebook Live. Hatid sa atin ng Biofresh ang 12 taong na programa.