Advertisers
NGAYONG ilang buwan na silang hindi makapasada dahil sa coronavirus quarantine protocols, nagbebenta na ng buko ang ilang jeepney drivers sa Maynila.
Sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz, makikitang nagbebenta ng buko ang isang grupo ng dating jeepney drivers.
Anila, bagama’t naghahanap sila ngayon ng bagong pagkakakitaan, hiling parin nilang makabalik-pasada na.
Pero ngayong may Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), apela nila na mabigyan ng ayuda dahil aminado silang hindi sasapat ang kanilang kinikita sa pagbebenta ng buko.
Ayon sa jeepney driver na si Roldan, mahirap ang buhay nitong 5 buwan na walang sapat na kita at mukhang hindi pa anila sila papayagan bumiyahe muli.
“Napakahirap po kasi ‘yung kinikita mo halos sakto lang minsan kulang lalo na sa isang tulad ko na may maliit na naggagatas po,” ani Roldan. (PTF team)