Advertisers

Advertisers

ALONG MALAPITAN NAMIMILI NG BOTO?

0 92

Advertisers

KINUMPIRMA ng Comelec ang pahayag na kabilang si Along Malapitan, ang kasalukuyang meyor ng Caloocan City, sa pitong kandidato na hinihinging magpaliwanag sa isang show cause order sa bintang na pamimili ng boto. Ang dalawa ay sina Isko Moreno at Sam Versoza, mga kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila. Nahaharap si Along, Isko, Sam, at lahat sila sa disqualification bilang mga kandidato.

Tumatakbong reeleksiyonista si Along sa Caloocan City. Katunggali niya si Sonny Trillanes, ang dating senador ng nagsampa ng sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat sa International Criminal Court (ICC).

Matindi ang bintang ng korapsyon na iniharap sa kanya ni Trillanes. Kasama rin sa bintang ng kampo ni Trillanes ang paglabag ni Along sa election law. Sa isang liblib na barangay sa North Caloocan, batay sa ulat na nakalap ng kampo ni Trillanes, palihim na binaklas ng isang grupo na kabilang sa tagasuporta ni Along ang mga campaign poster ni Trillanes at kapanalig. Sa kailaliman ng gabi ang ilegal na operasyon ng mga bata ni Along na ang tanging gawa ay baklasin lang ang poster ng mga kalaban.

Kilala ang mga taga-baklas ni Along sa siyudad. Kaalyado ng mga opisyales ng mga barangay na kapanalig ni Along. Kilalang mga abusado sa poder si Along at mga bataan niya at ang tingin nila ay pag-aari nila ang siyudad. Pinamihasa ni Along ang ganitong kalakaran dahil walang humamon sa kanila sa nakalipas na panahon.

Ngunit may angking takot si Along Malapitan kay Trillanes. Alam niya na palaban si Trillanes at hindi siya uurungan sa matinong laban. Ito ang dahilan kung bakit pailalim ang laro ni Along. Hindi siya sumagot sa hamon na debate ni Trillanes sa kanya sa matinding takot na dudurugin siya sa isang patas na debate.

Batid niya na minamatyagan siya ni Trillanes. Sa isang iglap, or isang pagkakamali, wasak ang kanyang mundo na binuo niya sa korapsyon at panlilinlang sa ga mamayang ng Caloocan City. Pawang pailalim ang tira ni Along sa katunggali. Bakas ang matinding takot at pangamba na balikan siya.

Hindi nakakasiguro si Along dahil kahit sa mga barangay kung saan nakuha niya ang mga tiwaling opisyales, nakamasid sa kanya ang mga tagasuporta ni Trillanes. Nasa kanila ang mga maraming detalye ng paglabag ni Along sa batas ng kampanya. Maaari nilang dalhin ito sa Comelec. Hindi kami magtaka kung ideklara siyang diskuwalipikado dahil sa pandaraya.

Marami paglabag si Along sa election law. Kasama na rin ang pamimigay ng “ayuda’ na sa totoo ay paraan upang bilhin ang boto ng ga botante sa Caloocan City. Malaking bahagi ng siyudad ang maralitang pamayanan. Maraming maralitang tagalungsod na sadyang lugmok sa kahirapan. Walang programa sa kanila si Along.

Kumalat ang balita na namigay si Along ng mula P3,000 hanggang P5,000 ayuda kada botante. Hindi ayuda iyan kahit saang anggulo tingnan. Pamimili iyan ng boto at marapat na sansalain iyan ng Comelec. Gising Comelec.

***

Email:bootsfra@gmail.com