Advertisers

Advertisers

Digital learning program sa Marawi uusad

0 13

Advertisers

ISANG magandang pagkakataon ang. nakatakdang naganap sa Marawi at ito ay sa pamamagitan ng digital learning program.

Ang digital learning program ay braindchild ng isang Pinoy tech leader na si Bran F. Reluano, founder ng Republic Asia at siya rin ang nasa likod ng proyektong “Pay IT Forward: A Digital Transformation Advocacy”.

Layunin ng nasabing proyekto ang magkaloob ng gadgets, internet devices at pagsasanay sa mga eskwelahan na higit na nangangailangan nito.



Kaugnay ng nasabing proyekto ay isinagawa ang Memorandum of Agreement sa pagitan ni Reluao ng Republic Asia, mga opisyal ng pribado at pampublikong tanggapan na kinabibilangan ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Information and Communications Technology (DICT), I ACADEMY, GMA Kapuso Foundation, at Sparkle GMA Artist Center, upang dalhin ang programang Pay IT Forward sa Marawi City.

“Digital Transformation should not be a privilege but a right accessible to all,” ayon kay Reluao.

“By providing tools and training to undeserved schools, we are creating a foundation for a digitally empowered future”, dagdag pa nito.

Ang unang yugto ng proyekto ay nauna ng ginawa sa Cebu kung saan ang mga mag-aaral sa walong malalayong paaralan ng nasabing probinsya ay tumanggap ng libreng 100 tablets at tatlong Starlink internet.

“Our mission has always been to make digital learning more accessible for all. We believe that true transformation happens when public and private sectors come together with a common goal”, ayon pa kay Reluao.



Pinasalamatan ni Reluao si DBM Secretary Amenah Pangandaman na tubong Mindanao sa kanyang malakas na suporta sa proyekto.

Sa kanyang bahagi, binigyang diin naman ni iACADEMY president at operating officer Raquel Perez Wong ang kahalagahan ng kolaborasyon.

“This shows the power of collaboration, When government and private partners work hand in hand with genuine commitment, meaningful change become possible,” sabi ni Wong.

Labis namang ikinatuwa ni GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez ang pagpili sa apat na paaralan na kanilang itinataguyod na makikinabang sa “Pay IT Forward”.

Isang malaking tulong naman ayon kay Sec. Pangandaman ang “Pay IT Forward” project sa Child Development Centers (CDC) na isa sa tinututukan programa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa Marawi. (ANDI GARCIA)