Advertisers

Advertisers

Juday sumusunod sa mga yapak ni Ate Guy

0 5

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

NGAYON ay kilala bilang Prime Superstar, noon ay Young Superstar ang bansag kay Judy Ann Santos.

At para kay Judy Ann, isa lamang ang Superstar, walang iba kundi si Nora Aunor.



“Alam mo, lagi ko ngang sinasabi, walang iba na puwede pang maging Superstar.

“Siya lang, si Ate Guy lang talaga,” pahayag ni Judy Ann sa huling araw ng burol para sa namayapang National Artist na si Nora o Ate Guy.

Nagkakaisa ang marami na bilang isang mahusay na aktres at premyadong artista, si Judy Ann ang susunod sa mga yapak ni Ate Guy.

“Of course, nakakataba ng puso, lagi namang ganun,” umpisang reaksyon ni Juday tungkol dito.

“But laging sinasabi ko na hindi puwede.



“Wala namang makakatapat sa kasikatan at sa lawak ng narating niya. Di naman ako magiging ipokrita at magsisinungaling na di siya nakakakilig.

“Pero ni wala sa kalingkingan ng narating ni Ate Guy ang narating ko. Malayo… malayung-malayo…

“I’m just honored, nagpapasalamat ako sa thought na naging parte siya ng karera ko.”

Nakasama ni Juday sa dalawang pelikula si Ate Guy; sa pelikulang Sana Mahalin Mo Ako (1988) at sa pelikulang Babae (1997).

“Yes, one, when I was nine years old, and one nung dalaga na ako.

“Si Ate Guy, hindi mo talaga iisipin, ang laking bituin, di ba? Pero once na makasama mo siya sa pelikula, nice talaga siya.

“Doon ko lang nakita puwede pala yung ganito.

“Bargas siyang makipag-usap sa crew. She’s very down-to-earth. Pero pag rumolyo ang kamera, magugulat ka kung saan nanggaling.

“Very professional.”

Sumusuporta raw si Ate Guy sa kanyang co-stars pero hindi sa tipong tuturuan ng Superstar ang mga kasama sa isang proyekto kung paanong atake ang gagawin sa papel nito.

“Si Ate Guy, hindi kasi siya yung tipo ng artista na she would coach you.

“She will support you, will guide you all the way… “Mararamdaman mo naman kasi siya sa eksena, e. Iyon yung higop, iyon yung power niya, e.

“Hindi mo kailangang mag-motivate kapag si Ate Guy ang ka-eksena mo kasi dadalhin ka talaga niya. Dadalhin ka niya, bibitbitin ka niya, gagabayan ka niya.

Ang powerful kasi ng Babae: from Direktor [Lupita] Kashiwahara, Nida Blanca, ako yung pinakabago sa roster…

“Ako talaga, that alone na-overwhelm na ako sa bigat, pero never kong naramdaman yun with Ate Guy and Ms. Nida Blanca.

“I was really guided properly. Doon ko nakita na, ‘Okay, ibang klase.’”