Advertisers

Advertisers

Sundalo patay sa “liquidation squad” ng BIFF

0 258

Advertisers

PINAGBABARIL ng umano’y liquidation squad ng bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang isang sundalo sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Cpl. Rosendo Jaoud Oplino, 32-anyos, nakatalaga sa 37th Infantry Battalion Philippine Army, at residente ng Alamada North Cotabato.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Donald Madamba, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo mula sa bayan ng Alamada patungo sa 6th ID Headquarters nang pagsapit nito sa Brgy. Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem assassin at pinagbabaril ng kalibre.45 pistola.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay sa tinamong tama ng bala sa likod na tumagos sa kanyang dibdib.