Advertisers

Advertisers

MALAKANYANG KAY VP SARA: ‘WAG MAGING ANAY SA LIPUNAN!’

0 6

Advertisers

HUWAG pairalin ang crab mentality at huwag maging anay sa lipunan.

Ito ang resbak ng Malakanyang sa banat ni Vice President Sara Duterte na budol lamang at pang-hayop ang klase ng bigas na ibebenta ng gobyerno sa halagang bente pesos.

Pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro, hindi pangit na klase ng bigas ang ibebenta ng Department of Agriculture (DA) dahil kapareho lamang ito sa nabibili ngayon na P33 na bigas.



Ito nga ayon kay Castro ang dahilan kaya mayroong halagang kailangang i-subsidize ng gobyerno na paghahatian ng national at local government.

Buwelta ni Castro kay VP Sara, ang totong lider ay dapat sumusuporta sa pinuno ng bansa at nagsusulong ng pagkakaisa para matupad ng pangulo ang magagandang hangarin nito sa bansa.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng Palasyo ang publiko sa mga posibleng manabotaheng fake news peddlers sa P20 rice program na magpapanggap na buyer at sisirain ang sa social media ang kalidad ng bigas.