Advertisers
MAHIGPIT na nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na huwag samantalahin o umepal sa pagbebenta ng P20.00 na bigas sa Visayas.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, suportado nila ang programang ito ng Department of Agriculture (DA).
Magkakaroon lang ng problema kung may mga ‘epalitikong’ makikita sa bentahan ng murang bigas.
Maaari kasi aniya itong ituring bilang vote buying.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang DA sa lokal na pamahalaan ng Cebu upang maibenta ang mas abot kayang halaga ng bigas.