Advertisers

Advertisers

2 gunrunner timbog sa Caloocan

0 8

Advertisers

Nadakma ang isang babae at isang lalaki na nagbebenta ng baril sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 177, Caloocan City, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat, aktong nagbebenta ang mga suspek ng caliber .38 revolver, na may nakaukit na “cobra” at kargado ng tatlong bala na walang kaululang lisensya sa poseur buyer nang arestuhon ang mga ito.

Sa ipinadalang report kay Northern Police District Director PBGen. Josefino Ligan ni Police Chief P. Col. Paul Jady Doles, nakumpiska ang perang ginamit sa transaksyon na P3,500.00 buy-bust money at walang naisumiteng mga dokumento sa ligalidad ng ibinebentang baril.



Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 32 of Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code).ang dalawang suspek.(Beth Samson)