Advertisers
Hindi na umabot ng buhay ang kasalukuyan mayor at muling kumakandidato sa parehas na posisyon at dalawa pa ang sugatan nang pagbabarilin habang nagsasagawa ng campaign rally o nangangampanya sa loob ng Barangay Hall ng Iluru, Rizal, Cagayan.
Kinilala ang mga biktima na sina
Atty. Joel Ruma, Punong Bayan ng Rizal, Cagayan; Merson Abiguebel; at Melanie Talay na pawang residente sa naturang lugar.
Sa report, 9:30 ng gabi nangangampanya si re-electionist Mayor Ruma sa nasabing barangay hall nang pagbabarilin ito at nadamay din ang dalawang biktima na sina Abiguebel at Talay.
Kaagad na naglunsad ang pulisya ng manhunt operations laban sa mga hindi pa nakikilalang salarin.
Tinitignan anggulo o motibo sa krimen ang posibleng may kinalaman sa papalapit na halalan at dati kasong kinakaharap ni Mayor Ruma.
Matatandaan noong May 2022 election nagtatago sa batas si Ruma dahil sa kinakaharap na kaso at nangampanya lamang sa Radyo ang alkalde kung saan napagwagian naman ang nasabing halalan. Tumatakbo ito ulit ngayong 2025 para sa isa pang termino kasama ang kanyang maybahay na si Vice Mayor Brenda Ruma.
Sa ngayon three corner fight ang Mayoralty at Vice Mayoralty races sa Rizal, Cagayan. Sa Mayoralty race, contender sina Retired General Ralph Mamauag na nagretirong opisyal ng Phil. Air Force at isang Florence Littaua. Sa Vice Mayoralty race, challenger ni incumbent Vice Mayor Brenda Ruma si Councilor Pastor Boyet Ligas Jr. at Edilberto Jose Jr. Labing siyam naman ang kandidato sa Sangguniang bayan sa nasabing munisipalidad na nasa segunda distrito ng Cagayan.
Batay sa resulta ng 2022 election, nagwagi lamang noon si Ruma sa botong 5,746 kumpara sa kanyang nakatunggaling si Mamauag na may total votes na 4,405. (Rey Velasco)