Advertisers

Advertisers

Salpukan 6 sasakyan: 3 tigok, 10 grabe

0 3

Advertisers

Nasawi ang tatalong katao at humigit-kumulang sampu ang nasugatan sa salpukan ng anim na sasakyan sa Fortune Avenue, Barangay Fortune, Marikina City noong Abril 23.

Ayon sa Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (Marikina DRRMO), kabilang sa mga nasawi ang isang jeepney driver. Sa report, 11:00 ng gabi, nawalan ng preno ang isang trailer truck habang paakyat at bumangga ito sa likuran, dahilan para tumagilid at madaganan ang isang jeepney, isang kotse, at isang Hyundai.

Nadamay rin ang isa pang jeepney at isang SUV.



Dinala ang mga biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Inaresto ang driver ng truck at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinasagawa ang imbestigasyon.