Advertisers

Advertisers

Mag-anak todas sa tribal war

0 9

Advertisers

Nasawi ang tatlong mag-anak sa naganap na engkwentro ng dalawang grupo malapit sa bahay ng isang barangay councilor na pinaniniwalaan tribal war sa Tabuk City, Kalinga nitong Huwebes ng umaga.

kinilala ang mga biktima na sina Santos Calsiyao, anak na si Tokar Calsiyao, at Leo Palat Calsiyao, 30-anyos, na pawang taga Basao, Dilag, Tabuk City, Kalinga.



Ayon kay  PSMS Nicolas, JDP, 6:30 ng umaga nang maganap sa Purok 7, San Julian, Tabuk City, Kalinga

Nabatid na napa-engkwentro ang mga biktima malapit sa bahay ni  Brgy. Kagawad Cleve Dumaguing mula sa Biga Tribe sa ‘di pa batid na grupo ng mga salarin.

Narekober sa pinagyarihan ng engkwentro ang 2 M16 rifle , 1 Shot gun at mga basyo ng mga bala mula sa iba’t-ibang uri ng kalibre ng baril.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad laban sa mga tumakas na mga salarin.

Hinala ng mga otoridad  na tribal war ang motibo nang naganap na engkwentro (Mark Obleada)