Advertisers

Advertisers

ANGGULO NG PNP

0 22

Advertisers

HAWAK na [raw] ng Philippine National Police (PNP) ang ilang mga suspek sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa isang negosyanteng Singkit at drayber nito kamakailan.

Magugunitang una nang pumiyok sa publiko ang PNP na ang naturang insidente ay may kinalaman sa POGO gayung nasa negosyo ng bakal ang biktima kaya agad itong pinabulaanan ng pamilya.

Iyon ang unang anggulo na pinalabas ng PNP subalit biglang kambiyo ang mga ito nang umani ito ng batikos mula sa mga kaanak, ka-lahi, kaibigan maging ang ilan sa mga politiko na sumawsaw sa isyu dahil [nga] panahon ng halalan.



Nabatid na pinatay pa rin ang mga biktima kahit na nagbayad na ang mga ito ng pantubos para sa kanilang kalayaan kaya pumasok na sa eksena ang anggulo ng ‘Kidnap for Ransom’.

Subalit ang ipinagtataka naman marahil ng PNP ay kung bakit pinatay pa rin ang mga ito kahit tinubos na ng kanyang mga kaanak. Pinatay pa rin sa pamamagitan ng pagsakal – wala raw bakas ng pagpapahirap o tama ng bala sa katawan.

Dito na pumasok ang isa na naman anggulo na away sa negosyo o personal na alitan sa pagitan ng mga biktima at ang utak o ‘mastermind’ sa nasabing krimen na yumanig sa kalamnan ng Filipino-Chinese business community.

Pero teka muna! Hindi lang PNP ang nasa eksena sa kasong ito. Nariyan din ang National Bureau of Investigation (NBI) nang dahil na rin marahil sa kahilingan ng mga kaanak at kaibigan dahil duda [siguro] sa kilos ng PNP.

May sariling imbestigasyon ang NBI pero hindi tulad ng PNP… tahimik lamang ang mga ito. Tahimik na unti-unting pinagtatagpi-tagpi ang mga nakukuhang ebidensiya habang si PNP naman ay ngaw-ngaw nang ngaw-ngaw.



Hindi rin naman natin masisi ang PNP sa kanilang mga aksiyon dahil talagang sa kanilang ahensiya lumatay ang hagupit ng karumal-dumal na krimen na ito lalo na sa liderato ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil.

Ang problema ay saksakan ng ingay ng PNP lalo sa pagbibigay ng agarang anggulo o motibo sa naturang insidente ng pagdukot at pagpatay kaya talagang anggulo ng PNP. Ang sakit sa bungo!

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com