Advertisers
Personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa state funeral noong Martes para kay National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor, at nag-alay siya ng kanyang huling paggalang sa isa sa pinakanirerespetong cultural figure ng Pilipinas.
Kasama niyang dumating sa Libingan ng mga Bayani sina Senator Robinhood Padilla at longtime friend, actor Phillip Salvador.
Si Aunor, pumanaw noong Abril 16 sa edad na 71, ay ipinagluksa hindi lamang bilang isang cinematic legend kundi bilang isang boses din ng mga Pilipino.
Mula sa kanyang hamak na pagsisimula bilang isang batang vendor sa Iriga hanggang sa kanyang pag-akyat bilang pinakaginayak na aktres sa kasaysayan ng Pilipinas, ang kanyang buhay ay umukit ng landas na hinangad ng marami.
“Una sa lahat, nakikiramay po ako sa pamilya ng ating National Artist at Superstar of Philippine cinema, si Nora Aunor,” sabi ni Go sa interview. “Bilang haligi at isa nang institusyon, malaki s’yang kawalan sa industriya ng pelikulang Pilipino.”
Naalala ni Go, na noon pa man ay fan na ng local cinema, nagsimula ang kanilang hindi inaasahang pagkakaibigan noong 2022 nang makilala niya ang aktres sa Palasyo ng Malacañang para sa pagtatalaga sa kanya bilang National Artists of the Philippines ni dating President Rodrigo Duterte. “Talagang nilapitan ko po s’ya. Nilapitan ko at sabi ko, ‘Congratulations.’ Isa pong malaking karangalan na makilala s’ya,” ani Go.
Naalala ni Go, sumuporta sa Philippine entertainment industy sa kanyang kapasidad bilang Senador, ang panonood ng mga pelikula sa mga sinehang gawa sa kahoy noong kanyang kabataan, hinahangaan ang mga bituin tulad nina Philip Salvador, Lito Lapid, at Robin Padilla—mga taong kasama niya ngayon sa Senado. Ngunit ang kanilang pagkikita at pagkakaibigan ni Nora Aunor ay isang “Dream come true” para sa kanya.
“Dati po sa pelikula lang, napapanood ko lang s’ya sa big screen. Ngayon, nakaharap ko na po ang tinaguriang nag-iisang Superstar ng pelikulang Pilipino.”
Mabilis na lumalim ang kanilang koneksyon. “Nagte-text po kami. Napapadala ako ng pomelo sa kanya, tapos nagkukuwentuhan kami. S’ya po, naging textmate ko na.”
Ginunita rin ni Go kung paano nagkusa at nag-volunteer si Aunor na iendorso siya sa mga kapwa Bicolano.
“Gusto n’ya po akong samahan. Gusto n’ya po akong tulungan. Ako po’y sobrang nagpapasalamat. Isa pong malaking karangalan na maendorso at mapagkatiwalaan ng isang Superstar tulad ni Ate Guy.”
Sa isang post sa Facebook noong Marso 30, isinapubliko ni Ate Guy si Go bilang si “Mr. Malasakit” na pinupuri ang mabubuting ginagawa ng senador sa pagsisilbi sa taumbayan.
“Sabi ko, ‘di ko po sasayangin ‘yung tiwala na ibinigay n’ya sa akin, kaya patuloy po akong magseserbisyo sa ating mga kababayang Pilipino. Naniniwala po ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos,” ayon kay Go.
Nitong Abril, kapwa nakatanggap sina Aunor at Go ng World Class Excellence Japan Awards.
Nais sana pumunta ni Aunor sa awards ngunit hindi nakarating dahil sa sakit.
“Nag-text s’ya sa akin. Gusto n’ya pong magkita sana kami doon sa awards night. Hindi raw s’ya makakadalo, may representative na lang daw s’ya.”
Nang tanungin ukol sa pagkakatalaga kay Ate Guy bilang National Artist, sinabi ni Go na: “Most deserving po s’ya. It’s long overdue. Dream come true po ‘yon kay Ma’am Nora Aunor. At dream come true rin po sa akin na nakita ko s’ya nang personal sa Malacañang at nabati ko s’ya.”