Advertisers
ANG Philippine Basketball Association ay kargado ng out-of-town schedule para sa buwan ng Mayo at Hunyo dadalhin ng liga ang nagpapatuloy na Season 49 Philippine Cup games sa ilang probinsya.
Ang All-Filipino double-header itatampok ang TNT at Phoenix, NLEX kontra Blackwater ay maglalaro sa Mayo 2 sa bagong gawa na Ynares Center sa Montalban, Rizal province
Dalawang Linggo pagkalipas ng PBA’s debut sa Montalban, ang liga ay babalik sa parehong venue para sa ibang double-header, itatampok ang Rain or Shine at unbeaten Magnolia, na magtatanghal 7;30 ng gabi.
Powerhouse San Miguel Beermen at Terrafirma maghaharap alas 5 ng hapon.
Ang iba pang out-of-town game ngayong Mayo ay gaganapin sa Pampanga at Candon City,Ilocos Sur, Cagayan de Oro ang mag host ng PBA game sa Hunyo.
Crowd favorite Barangay Ginebra at Converge magsasalpukan sa Mayo 10 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Magnolia at NorthPort bibiyahe papuntang North, magtatanghal sa Mayo 24 sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Samantala,San Miguel Beer at Rain or Shine, lilipad patungong Cagayan de Oro sa Hunyo 7 para sa explosibong bakbakan.
Magnolia at Phoenix ay maglalaro ng unang out-of-town game para sa conference ngayon Sabado Abril 26,sa Zamboanga City.