Advertisers

Advertisers

Celfone tech. patay sa pamamaril sa Maynila

0 229

Advertisers

PATAY ang 29-anyos na lalaki nang pagbabarilin sa Sta. Cruz, Maynila nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Jude Portez, residente sa Felix Huertas Road at isang cellphone technician.
Ayon kay Kagawad Sonia Anzures ng Barangay 331, nakarinig sila ng isang malakas na putok 9:00 ng gabi.
Isang lalaki na nakahandusay sa kanto ng Tayuman at Dapdap St. ang tumambad sa kanila.
Tama ng bala sa ulo ang agad ikinamatay ng biktima.(Jocelyn Domenden)