Advertisers

Advertisers

Doc Willie muling nagpahayag ng suporta kay Imee

0 11

Advertisers

Bihirang mag-endorso ng pulitiko sa kanyang social media page ang kilalang health advocate na si Doc Willie Ong. Kaya alam mong seryoso ang celebrity cardiologist kapag may “napusuan” itong kandidato.

Makaraang isapubliko niya ang kanyang laban sa sakit na cancer, matatandaang nagpahayag din ng interes sa pagtakbo sa midterm elections ang doktor pero kalaunay umatras ito upang mas matutukan ang kanyang kalusugan.

Pero kahit may iniinda, inuuna pa rin ni Doc Willie na pagtuunan ang mga karamdaman at daing ng bayan. Kapansin-pansing mas hayagang nagpapahayag ang doktor sa mga hinaing niya patungkol sa health care services o ang kalulangan nito sa buong bansa. Kaya naman naging madali na lamang sa kanya na i-endorso ang kandidatura ng isang lingkod-bayan na alam niyang nakikinig sa pulso at pintig ng sambayanan.



Ito ngang Martes, Abril 22, muling ipinahayag ni Doc. Willie Ong ang kanyang buong suporta kay Senadora Imee Marcos sa darating na halalan. Ito ay bilang pagsulong na rin ng kanilang magkatuwang na adbokasiya para sa mas malawak at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.

Matatandaang noong 2019, personal na bumisita si Doc Willie kay Senadora Imee upang humingi ng tulong para sa mga batang may congenital heart disease, o ang tinaguriang ‘heart warriors.’ Mula noon hanggang ngayon, umabot na sa halos 2,000 heart warriors ang nadugtungan nila ng buhay.

“Matagal ko nang kasama si Doc Willie sa laban para sa abot-kayang serbisyong medikal. Magkasama kaming naniniwala na hindi dapat maghintay pang makaramdam ng sakit ang mga tao — dapat napipigilan ito sa pamamagitan ng preventive healthcare,” ani Senadora Imee.

Ayon din sa senadora, prayoridad niya ang patuloy na suporta sa mga Barangay Health Workers (BHWs) at Rural Health Units (RHUs) na siyang unang takbuhan ng mga kababayan natin sa malalayong lugar. “Sila ang frontliners natin sa kalusugan. Kailangang palakasin natin ang kanilang kapasidad at benepisyo,” dagdag pa niya.

Bukod dito, isinusulong din nina Senadora Imee at Doc Willie ang isang joint project para sa libreng dialysis treatment ng mga pasyenteng hirap tustusan ang gamutan.



“Sama-sama tayong lalaban—para sa mga BHWs, RHUs, heart warriors, at dialysis patients,” panawagan ng ng senadora.

Samantala, sa kanyang social media pages, nag-uumapaw ang pasasalamat ni Senadora Imee kay Doc Willie, na tinawag niyang hindi lamang kakampi sa pulitika kundi kaagapay sa tunay na serbisyo. “Your support is not just political—it’s deeply personal,” aniya. “With you by my side, I know this campaign has heart—literally and figuratively,” dagdag pa nito.

Sa panibagong yugto ng kanilang laban, umaasa si Senadora Imee na patuloy nilang madarama ang tibok ng bayan—at patuloy din silang magiging tinig at lakas ng mga Pilipinong matagal nang nananahimik.