Advertisers
Dead on the spot ang isang lalaki at sugatan ang dalawang pasahero ng paulanan ng bala ang kanilang sinasakyan na kulong kulong o motorcycle na may side car ng dalawang hindi pa kilalang mga salarin na ridiing in tandem na mga nakasakay sa isang kulay itim na motorsiklong hindi naplakahan na Yamaha N-MAX 4:00 ng hapon nitong Martes (April 22, 2025) sa Kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. San Roque sa Lungsod ng Sto. Tomas City, Batangas.
Kinilala ang nasawi na si Joseph Gonzaga, 34-anyos; at sugatan sina Mariz Bicaldo, 39-anyos, nagtitinda ng gulay sa palengke at residente sa Brgy. Makiling ng Calamba City, Laguna: at Myra Villanueva,47 taon gulang, residente ng Brgy. Sta. Maria, Sto. Tomas City, Batangas.
Base sa report ng Sto. Tomas Component City Police Station , sakay ng motor na may sidecar ang tatlong biktima ng sundan ng mga salarin na sakay ng nasabing motorsiklo na nakasuot ng kulay itim na face mask at maong pants ang rider habang nakasuot ng kulay itim na jacket, kulay green na maong pants at tsinelas ang gun man na back rider na mabilis na tumakas patungo sa di pa tukoy na direksyon.
Agad dinala sa Sto. Tomas General Hospital ang dalawang nasugatang biktima na nasa maayos ng kondisyon at narekober sa lugar ng crime scene ang mga basyo ng bala at isang buhay na bala ng caliber 45 na baril.
Nagpapatuloy ngayon ang follow up investigation and hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa mga tumakas na salarin para malaman ang motibo sa nangyaring pananambang sa mga biktima.(Koi Laura)