Advertisers

Advertisers

Pulis nagpaputok ng baril sa inuman arestado

0 3

Advertisers

Nahaharap sa mga patong patong na kaso ang isang aktibong pulis nang arestuhin ng mga otoridad nang magpaputok ng baril habang nag-iinuman sa Sto Nino, Cagayan Martes ng hapon.

Kinilala ang inarestong pulis na si Pat Jerald Sampaga, 29-anyos, at nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group Logistics Section, ARMD, Headquarters CIDG.

Ayon kay MGen Nicolas Torre III Director ng CIDG, 4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sto Nino , Cagayan.



Nabatid na dinalaw ni Sampaga ang kanyang girlfriend sa Santo Nino, Cagayan at nagkaroon ng inuman sa mga sa mga kamag-anak ng babae. Sa kalagitnaan ng inuman bigla nalang binunot ni Sampaga ang kanyang service firearms at pinaputok ang baril. Dahil dito, inireklamo ang nasabing pulis at hinuli ng mga elemento ng Sto. Nino Municipal police Station.

Inirelieved si Sampaga sa puwesto at itinalaga ito sa Personnel Holding and Accounting Branch (PHAB), ARMD, Headquarters, CIDG habang patuloy ang isinagawa imbestigasyon.

Nahaharap si Sampaga sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandals) as amended by Republic Act 11926 (Indiscriminate Discharge of Firearm). Bukod dito ang pahaharap din ng kasong administrative.(Mark Obleada)