Advertisers
Dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1st ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga nang makompiskahan ng mahigit sa P1.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bagong Silangan ng lungsod.
Kinilala ni PLt. Col.Ronado Baula, Station Commander ng PS 13, ang mga naarestong suspek na sina Dante Celestino Beni, 44, at John Paul Celestino, 27, kapwa residente ng Brgy. Bagong Silangan, QC.
Sa ulat ng PS 13 kay QCPD Officer-in-Charge PCol. Randy Glen Silvio, 6:50 ng umaga, Abril 23, 2025, nang isagawa ang buy-bust operation laban sa dalawa sa kanilang tahanan.
Dinakip sina Beni at Celestino matapos na bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P9,000 ang pulis na nagpanggap na buyer. Nang magkaabutan dinamba na ng tropa ng PS 13 ang dalawa.
Narekober mula sa mga suspek ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nmagkakahalaga ng P1,360,000.00, dalawang cellphone, at ang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Almar Danguilan)