Advertisers

Advertisers

Criminology stude patay sa bugbog ng Kagawad

0 369

Advertisers

PATAY ang isang criminology student at sugatan ang kanyang kaibigan umano sa pambubugbog ng isang kagawad ng barangay sa Manaoag, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Isagani Ilagan. Sugatan naman ang kasama nito na hindi na pinangalanan.
Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo si Ilagan at ang kaniyang kaibigan nang bumangga ang minamanehong motor sa barrier sa kalsada. At dito ay nilapitan sila ng kagawad na si Roden Padilla.
Ayon kay Anna Pauline, kapatid ni Ilagan, nabangga ng kanyang kapatid ang barandilya. Hinarang sila at saka pinaupo. At doon na ay pinagpapalo ng kagawad ang kaniyang kapatid at kasama nito.
Pahayag naman ng ina ng biktima, dapat panagutan ang ginawa ng kagawad sa anak niya.
Kailangan daw munang ipa-autopsy ang katawan na kanyang anak.
Sa report, nagpapagaling pa sa ospital ang kasama ni Ilagan.
Itinanggi naman ng kagawad ang krimen at sinabing hindi niya magagawa ang bintang dahil paralisado ang isa sa kanayang mga kamay.(PTF team)