Advertisers

Advertisers

Anak ng CALABARZON: Bong Go mainit na tinanggap sa Taytay, Rizal

0 6

Advertisers

Binagtas ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga lansangan sa Taytay, Rizal sa isang motorcade noong Lunes, bitbit ang kanyang mensahe na ‘serbisyong walang pili’ sa mga tao.

Nakatutok sa kalusugan, trabaho, kabuhayan, edukasyon, palakasan, at kapakanan ng kabataan, muling iginiit ni Go ang kanyang pagtulak para sa mga hakbang na naglalapit ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa mga grassroots, partikular sa mga mahihirap at kulang sa serbisyo.

“Patuloy nating ilapit ang serbisyo sa tao. Sa ganitong paraan, mas nararamdaman ng mga kababayan natin ang malasakit ng gobyerno,” ani Senator Go.



Kasama niya ang mga kapwa “Duter-Ten” senatoriables na sina Atty. Jimmy Bondoc, Phillip Salvador, at kinatawan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Kasama rin nila si Rizal Governor Nina Ynares at iba pang lokal na opisyal.

Ang Taytay motorcade ay sinundan ng pakikipag-ugnayan noong araw ding iyon sa Antipolo City, kung saan pinangunahan ni Senador Go ang katulad na aktibidad na nagbibigay-diin sa kanyang adbokasiya sa pangangalagang pangkalusugan at mga inisyatiba sa grassroots services.

Ang back-to-back event na ito ay bahagi ng kanyang pinaigting na pagsisikap na maabot ang mas maraming komunidad sa Southern Tagalog.

Umani ng mainit na suporta ang kanyang pagbisita sa mga residente ng Taytay na karamihan ay masayang naaalala ang kanyang matagal nang relasyon sa rehiyon. Idineklara si Senator Go na adopted son ng CALABARZON noong 2019, isang pagkilala sa kanyang patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkaunlaran sa lugar.

Bilang tagapangulo ng committee on health sa Senado, binigyang-diin niya ang kanyang patuloy na krusada sa mga repormang pangkalusugan—na nakaangkla sa mabilis na access sa tulong medikal, pinalawak na pangangalaga at pinahusay na mga pasilidad sa kalusugan.



“Sa mga pasyente, lapitan n’yo lang ang Malasakit Center dahil para ‘to sa inyo. Kung may hospital bill kayo, nandiyan ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito,” paliwanag niya ukol sa Malasakit Centers at Super Health Centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hinikayat ni Senator Go ang mga mamamayan ng Rizal na mag-avail ng tulong medikal sa Malasakit Centers na matatagpuan sa mga kalapit na lugar tulad ng Antipolo City Hospital System Annex IV, Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Hospital sa Rodriguez, Bagong Cainta Municipal Hospital, at Margarito A. Duavit Memorial Hospital sa Binangonan.