Advertisers

Advertisers

Jeric apektado sa pagkamatay ni Nora

0 6

Advertisers

Ni Archie Liao

NALULUNGKOT si Jeric Gonzales sa pagkamatay ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

For one, nakasama niya ang Superstar sa mga pelikulang “Hustisya” at “Dementia.”



Aniya, marami raw siyang natutunan sa magaling at multi-awarded actress.

“Sa akting niya, marami kang mapupulot like iyong mata-mata acting. Bilang kaeksena, very generous din siya. Tutulungan ka niya especially noong nagsisimula pa lamang ako. Siya iyong nagpapalakas ng loob ko kapag ninenerbiyos ako bilang baguhan, “pagbabalik-tanaw niya.

Hirit pa niya, ang mga baon daw niya kay Guy ay naging inspirasyon para pagbutihin niya ang kanyang craft bilang actor.

“Thankful ako at grateful ako dahil na-experience ko siya kay Mama Guy. Naging baon ko siya na nagagamit ko pag may mga eksena ako,” paliwanag niya.

Hindi rin niya ikinaila na siya man ay naging saksi sa pagiging matulungin at makatao ni Nora sa kanyang mga katrabaho sa set.



“Marami naman talagang makapagpatunay na matulungin siya kahit sa production staff at crew. Marunong siyang mag-share ng blessings kaya siguro siya mahal ng mga tao,” lahad niya.