Advertisers

Advertisers

BEAUTY CONTIS NATULOY SA VIETNAM

0 10

Advertisers

Ni BENNY ANDAYA

SUPER bilib ako sa dalawang big star ng Kapuso Network na sina Paolo Contis at Beauty Gonzales pagdating sa trabaho. Nakasama namin ang dalawa sa Hanoi Vietnam para sa shooting ng pelikulang pinagbibidahan nila.

Sa Vietnam kinunan ang pelikulang RUNAWAY, Holy Week però game ang dalawa magtrabaho. Na kung tutuusin ay dapat nagbabakasyon na sila pareho. Però sa kanilang dalawa hindi yata nila priority ang bakasyon sa Holy Week kaya work to death ang dalawa. Walang makitang kaartehan sa shooting ang dalawa kaya bilib ang mga staff, crew and director na si Sidney Pascua.



Maging ang butihing producer na si Madam Len Carillo ay paborito si Paolo. Unang naka trabaho ni Madam Len si Paolo sa isang pelikula na kinunan din sa New Zealand. Magaling umarte at very professional si Paolo katrabaho sabi ni Madam Len

Kaya nagulat si Paolo nang siya ulit ang kunin ni Madam na magbida sa Runaway. Dream din nya makapagtrabaho talaga sa 316 Media Production.

Si Beauty naman kahit na mainit ang location go go lang siya at walang alalay at siya na lang ang nag aayos ng sarili nya although may make up artist na kasama.

Kumbaga, hindi na siya nag ask pa ng tao para I assist siya kasi kayang kaya naman nya ang sarili nya. Yun ang maganda sa mga artista tulad nina Paolo at Beauty na marunong makisama sa mga kasama.

Samantala, natupad na ang pinapangarap ng nitezens na magsama sa isang project sina Paolo AT Beauty na tinawag nilang Beauty – Contis



***

RAINIER UMALIS NA KAY JOJO MENDREZ?

Confirmed na wala na pala talaga kay Jojo Mendrez ang actor na si Rainier Castillo. Umalis na ito at walang explanation kung bakit wala na kay Jojo. Pero ayon sa post ng aming kaibigangsi Ms Jhen Boles wala na nga raw si Rainier kay Jojo. Kung ano ang dahilan? Walang sinabi ito. Sa ngayon madalas na ulit napapanood sa live selling si Rainier kasama si Ms Jhen at nag eenjoy ang dalawa mag benta ng mamahalin at branded na mga luxury bags. Maging si Ranier ay ilap sa press magpa interview, umiiwas ito sa tuwing iinterbyuhin.