Advertisers
ISINARA ng PNP ang imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay sa negosyanteng Chinoy na si Anson Que at diver nitong si Armanie Pabillo. Bahagyang luminaw ang imbestigasyon nang nadakip ang mga suspek na sina David Tan Liao, aka Xiao Chang Jiang, Ricardo Austria, aka Richard Tan Garcia, at Raymart Catequista.
Kusang-loob na sumuko si Liao samantalang ang dalawa, si David at Catequista ay nadakip ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Roxas, Palawan noong Biyernes. Sa pananaw ng mga umaantabay sa kaso naging isang “open and shut case” ito. Pero wait a minute kapeng mainit, may nakuhang mga posts si Liao kasama ang dalawang tanyag na nilalang sa larangan ng pamumulitika, na walang iba kundi si Manang Babs at si Harry The Queef!
Heto ang siste. Habang dinudukal ang inyong abang lingkod ang kaganapan, mas maraming tanong ‘kesa sagot! Sapantaha ko mas tinututukan ko ang naganap na “backstory” nito, dahil doon lalabas ang totoo, o mga totoong kaganapan. Ano ang pagkatao sa likod ni Anson Que? Ano ang ugnayan ni Manang Babs, Harry The Queef at David Tan Liao? May napipiga ba ang katotohanan mula sa kanya? Mga kasapakat niya?
Ang PNP ay patuloy na sumisiyasat sa kaso. Ngunit, kumbaga sa simbolo ng pinilakang tabing kung saan may maskarang nakangiti at merong naka ngisi, batid ng abang peryodistang ito na ang kaso ay napakaraming anggulo, na binalot sa ilang kumot. Natutuwa ang maliit na peryodistang ito dahil napupuna ko ang antas ng propesyonalismo ng ating mga alagad ng batas ay tumataas din. Labis na ikinatutuwa ito ng inyong abang lingkod. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
TAMA po si Commodore Jay Tarriela sa pagbatikos niya sa blogger na pinangalanang Allan Troy. Sa akin, bukod sa binabae ang kanyang adhikain tungkol sa Republika ng Pilipinas, at pinipilit niyang itago sa sariling saya ang dangal niya. Didiretsohin kita; isa kang duwag na walang bayag. Sa salita ng nasirang Dencio Padilla: Sana’y hindi ka mautugan kailanman.
***
“SOBRA namang pang-aabuso, pagsasamantala ng mga hype na kandidato! Name and shame those candidates. Pangalanan at hiyain (mahiya kaya ang mga ulanghiya ?). Nakakahabag isiping itong mga may disabilities na umaasang may gobyerno silang malalapitan, mahihingan ng tulong ang unang umaabuso at ginagamit ang kanilang kapansanan.
Nakakahiya, nakakagalit kayong mga PI ninyo!!!” Hindi ko masisisi ang pagkamuhi ng Vico Sotto matapos malaman niya na kinasangkapan ng mga katunggali niya sa pulitika ang isang PWD, na dahil sa kahinaan sa kaisipan, inudyok ito upang siraan ang dangal ng kasalukuyang alkalde, na muling tumatakbo sa halalan. Nauunawaan ko na may tamang taktika ang ginagamit na patas at malinis; pero hawa naman ang gagamitin mo ang PWD para gumawa ng maling naratibo at magsinungaling?
Tandaan natin habang painit ng painit ang hilab ng haring araw, padumi ng padumi ang kampanya patungo sa halalan. Tandaan natin na ang katotohanan ay kalaunan maisisiwalat din. May tinatawag sa wikang Ingles na “moral high ground” ang mga katulad ng gumawa ng ganito sa PWD ay mistulang mga nagtatamisaw sa pusali nilang kinalalagyan.
Nakakadiri, nakakarimarim. HUWAG PAMARISAN, bagkus, HUWAG IBOTO!!!
***
mackoyv@gmail.com