Advertisers

Advertisers

LAKIPAN NG PUSO

0 1,742

Advertisers

Walang pagtutol sa anumang uri ng pag-unlad mapa sa lungsod o kanayunan sa ngalan ng kagalingan panlahat. Ang maayos na pamamahala ang dasal ng masiguro na ang karaniwang nilalang maging hayop o tao’y tunay na may pakinabang. Sa panahon na kinikilala ang lahat ng mga Karapatan hindi nagtataka kung bakit nagiging mapaghanap ang tao ng tuwid at tamang pamamalakad. Sa kasalukuyan, nakakatawa na trato sa mga alagang hayop na kasing halaga ng tao na tunay na kinagigiliwan dahil pansin na tila o bahagi tunay ng pamilya ang mga alagang aso’t pusa. Sa pamamasyal sa mga liwasan o Malll, karaniwang makikita ang mga alagang hayop na tila sariling anak na tinutulak sa mga sasakyan tulad ng mga stroller. Habang sa hanay ng mga may ari ng mall, silip ang mga lugar na malalakaran ng mga hayop higit ang laruan na pambata. Di ba’t nakakasiya…

Kinagigiliwan ang marangal na pagnenegosyo na nagpapanatili sa mga mamimili at sa kalaunan ang pagiging suki. Ang paglalaan ng tamang mga pasilidad na umiingganyo sa mga mamimili ang hakbang na dapat isagawa ng mga negosyante at itanim sa isip na ‘di lahat sa negosyo’y kita ang hanap ang lakipan ng puso ang negosyong ang tamang tindig na magsisiguro na ‘di aalis ang parokyanong naghahanap ng kalinga sa negosyong tinatangkilik. Malinaw sa mga mamimili na ang tamang trato ng negosyante ang hanap na ‘di mawala ang pagkilala higit kung may kagalingan ang serbisyong alay. Ang mabuting pakikitungo ng mga tauhan ang hanap ng mga suki na dahilan pagtangkilik o pagbabalik balik sa lugar, Ang makapalagayan ang hanap at ayos o sige na ang pagtustos sa ngalan ng negosyong may puso.

Sa pamumuhunan sa negosyo silip ang kagalingan ni Don Ramon Ang ng San Miguel Corp. na lumawak ang pag-inog ng mga negosyong pinasukan. Hindi makitaan ng kahinaan sa negosyo ang mama na masasabing tila may mata sa pag-lalagyan ng salapi na nagbubunga ng pakilala sa isang Don Ramon bilang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Walang itutulak na negosyong pinatatakbo, sa halip silip ang pag-angat ng ngalan bilang mahusay na negosyante ang mapapansin. Sa totoo lang, ang bunga ng mga negosyong pinasukan ni Don Ramon ay hitik sa kita na kina-iingitan ng mga negosyante sa bansa. Sa totoo pa rin, hindi masukat ng anumang teorya ang galing ni Don Ramon sa negosyo na kinagigiliwan masdan bilang taga pagmasid. Ano ba ang meron ang mama at tila si Haring Midas na nagiging ginto ang bawat hawakan?



Karaniwan ang paglago ng mga negosyong na-iibigan ng Tserman ng SMC na tila apak sa kaganapan sa lugar na pagtatayuan. Matang lawin ang pananaw ng mama sa Negosyo ngunit tila may piring ang mata sa kalagayan ng maraming apektadong tao na nasasagasaan sa negosyong nais. Ang kawalan ng malasakit sa mga nasasagasaan ang kahinaan ng mama na tuwirang nagpapababa sa pagkatao ni Don Ramon ngunit hindi ang kita. Ang kawalan ng puso sa mga taong walang lakas sa pakiki pag-ugnay o usap ang kakulangan ng mama na kadalasang wala sa pagpapasya sa ibig na Negosyo. Tunay bang walang lugar kay Don Ramon ang pagbagsak ng kabuhayan ng iba ngunit ‘di sa negosyo ibig na kailangan gawin ang dapat sa pagtitiyak na makukuha ang panalo sa negosyo. Walang lugar ang malugi kahit nakasalang ang kagalingan ng mga taong maapektuhan ng negosyong ititindig sa lugar na ibig.

Sa isang negosyo sa lugar sa Balabac, Palawan, na Eco – tourism na pag-aari ng isang kumpanyang nakapaloob sa SMC. Nakakalungkot na mabatid na ‘di nakapaloob sa balakin ang mga katutubo sa pagtatayo ng negosyo sa halip kasama sila sa pinalalayas sa lugar naka nilang tinubuan. Sa totoo lang, likas ang mga katutubong Molbog at Cagayanin sa lugar na tinitirahan, sa Maria Hangin. Ang kawalan ng legal na papel ng mga katutubo ang sangkalan ng mga dayong umaangkin sa lugar na nagsasabing pag-aari ng SMC ang lugar na tinitigilan ng mga katutubo. Tunay na mahirap humarap sa mga taong may dalang dokumento higit sarado sa pakikipag-usap. Ang mga dayo na nagawan pa-dokumentuhan ang lugar na daan taong tinitirahan ng mga katutubo ang mahika ng karunungan at mapagsamantalang kagawad ng pamahalaan. At heto, ibig palayasin ang katutubong MolBog at Cagayanin na likas sa lugar, bakit?

Sa mga nakaraang araw, nagawang magpababa ng SMC ng 90 taong armado na ibig palayasin ang mga katutubo sa Maria Hangin gayong walang ginagawang sala ang mga naninirahan. Kung tunay na ibig magkaroon ng maayos na pagtatayo ng negosyo tila sala ang pagpapadala ng armadong kalalakihan upang bantayan ang lugar na sa totoo lang ay pag-aari ng katutubo. Ang pagpapadala ng armadong kalalakihan ang pagpapakita ng pwersa na labag sa kagalingan ng bawat tao sa lugar. Sa totoo lang, ang pagkakaroon ng mga lugar ng mga alagang hayop sa mga negosyo sa kaMaynilaan o sa ibang lunsod ang karaniwang tanawin. At heto, ang mga katutubong Molbog at Cagayanin, paalisin dahil sa negosyo ang salang gawa ng pamunuan ng SMC.

Nababahala ang Batingaw sa kilos ng subsidiary ng SMC higit sa pagpapadala ng mga armadong kalalakihan na pilit na tinataboy ang mga katutubo sa Maria Hangin. Kung ibig mabantayan ang lugar na bangit, bakit hindi ang mga katutubo ang pagbantayin na likas na lugar na tinubuan. Ang simpleng pag-uusap sa ibig sa lugar ng walang naduduhagi ang pairalin ng makuha ang mataas na resulta o ibig. Hindi sagka ang mga katutubo at sino man sa Maria Hangin sa negosyong ibig. Sa halip ang makatuwang ang mga katutubo at ibang naninirahan sa lugar ang tamang tindig na gagawin para sa ibig na pag-unlad.

Sa totoo lang, malayong magka-iba ang kalagayan ng mga likas sa Maria Hangin kumpara sa mga naninirahan sa mga kalunsuran na pinapasukan ng negosyo ni Don Ramon. Ang matagal na pagtigil ng Molbog at Cagayanin ang bigyan halaga sa eco-tourism na negosyo. Ang kaalaman ng mga katutubo sa lugar ang pahalagahan ng namamahala ng SMC na magagamit sa pagpapalaki ng negosyo sa lugar. Ang pagtataboy sa mga katutubo’y salang kilos at magbibigay ng sakit ng ulo sa SMC sa halip na maayos na relasyon sa lugar. Sa halip ilahok ang mga katutubo sa mga magaganap na pagbabago na tunay na ikagagalak ng mga ito. Ang kabukasan ng isip at lakipan ng puso ang pag-unlad ang kagalingan na magdadagdag sa mabuting ngalan ng Tserman ng SMC na si Don Ramon. Muli, ang kabukasan ng isip at lakipan ng puso ang pasyang gagawin, Don Ramon.



Maraming Salamat po!!!!