Advertisers
MUKHANG dapat na muling bumalik sa paaralan at mag-review ni PCOO Undersecretary Claire Castro biruin mong sa isang press conference sa Malakanyang ay isisi lamang sa isang senador ang Rice Tarrification Law (RTL) .
Sayang tuloy umano ang pagiging abogado nito na nakalimutan na yata ang pinag-aralan na mayroong proseso ang paggawa ng isang batas na kailangang dumaan sa kamay, mata at pag-aaral ng mahigit dalawang daang miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso o mga kongresista at ng 24 na senador hanggang sa lagdaan ang Pangulo ng bansa para maging ganap na batas.
At nakapaloob din sa proseso ang pagkakaroon ng mga pagdinig na kung saan ipapatawag ang mga stakeholders upang sa ganoon kunan sila ng imput para makalikha ng magandang batas na pabor sa mga mamamayan at bayan.
Kaya maliwanag na wala at malayo sa katotohanan ang sinasabi mo na kinontrol ni Senadora Cynthia Villar ang RTL ano ang palagay mo sa ibang mga mambabatas uto-uto at sunud-sunuran at walang alam ba ganoon din ang Pangulo na pirma na lang ng pirma ng isang naratipikang panukalang batas ng kongreso.
Pakatandaan ni Castro na sinuman ang may pangunahing may-akda ng isang panukalang batas dadaan ito sa butas ng karayom at sa masusing pag-aaralan ng mga mambabatas at hindi ng isang tao lamang dahil walang sinuman ang makapangyarihan sa paggawa ng isang batas.
Mukhang kulang din sa background at research si USec. Castro dahil ang RTL sa aking pagkakaalam isa sa nakatulong upang mabawasan ang hoarding, profitiring, smuggling sa bigas at maliban pa dito ang hindi tayo nagkaroon ng sanction sa international community dahil sa naturang batas.
Kulang ba sa research at pag-araal si Usec Castro o sadyang gumagawa lamang siya ng kuwento upang may pag-usapan.
Totoo naman na talagang tinanggal ng kapangyarihan ang National Food Authorithy (NFA) dahil po sa kanila noon nanggagaling ang korupsyon at kasabwat ng mga smuggler, profitiring at horader dahil sa malayang makakuha ng import permit ang sinuman sa pamamagitan ng NFA.
Dahil nga dito hindi naging epektibo ang NFA at sila pa ang naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas at sa huli pati ang mga kababayan nating mahihirap hindi na nakakabili ng murang bigas.
Gusto ko din ipabatid kay Usec Castro na batay sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) noon na lumabas na ang dahil sa NFA mayroong sobra-sobrang importasyon at pagka-delayed sa pagbenta nito na kung saan isang maliwanag na pagsasayang at kawalan ng kakakayahan nito.
At dahil sobra-sobra nga ang importasyon mayroong mga bigas ang nasasayang, overstocking at sobrang gastos sa mga storage facility.
At baka nakalimutan ni Usec Castro na mayroong panawagaan noon pa man wala pang RTL na buwagin na ang NFA.
At nang aprubahan ng senado ang RTL na may botong 23-0 hindi only 1 kaya hindi puwede ituro ni Castro sa isang senador lang.
At nakalimutan pa yata ni Castro na upang lalo pang mapalakas ang implementasyon ng RTL, nilagdaan ng kanyang mismong boss na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang Republic Act (RA) No. 12022 o kilala sa tawag na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na kung saan ang anumang agricultural smuggling, hoarding, profiteering at anumang kartel maituturing na isang economic sabotage.
Nakalimutan pa yata ni Castro na kung ayaw ng isang Pangulo ng Republika ang anumang naratipikang panukalang batas mayroong siyang kapangyarihang i-veto ito o hindi aprubahan bukod pa sa kanyang kapangyraihang na mag-utos ng may kaugnay sa importasyon at magpatupad ng mas mababang taripa upang sa ganoon matugunan ang problema sa kakulangan ng bigas sa bansa kung mayroon man.
Nakakalungkot naman si Castro dahil na imbes niyang isipin ang mas maganda para sa bayan ay bumabatikos na lamag siya ng mga taong wala namang sapat na batayan.
Hindi ko naman pinupuri ang Senate Committee Food and Agriculture nguni’t sa aking kaalaman ay marami ng mga batas na nagawa ito bukod sa RTL at RA 12022 kung ako kay Castro mas maganda siguro halungkatin niya ang records ng senado lalo na’t public records naman ito.
Nakakalungkot lamang kasi na ang isang katulad ni Castro na naturingan na ngang abugado ay tigapagsalita pa ng Pangulo ay nagbibigay ng mali at lihis na impormasyon sa publiko.
Kung ako kay Castro ang maganda ay aral-aral din at resarch huwag lang puro dakdak.