Advertisers

Advertisers

Bong Go sa New Year Eve: ‘Wag mag-party, ‘wag mag-imbita ng kapitbahay

0 276

Advertisers

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na ipagpatuloy ang mahigpit na pag-obserba sa health protocols sa pamamagitan ng hindi pagpa-party at hindi pag-iimbita ng mga kapitbahay habang sinasalubong ang Bagong Taon para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Hinimok ni Go ang lahat na manatiling mapagbantay sa pag-iwas sa malaking pagtitipon, gaya ng party sa pagseselebra ng pagsalubong sa Bagong Taon.

“Sa mga kapatid kong Pilipino, konting tiis lang po. Nalampasan natin ang Pasko. Sa New Year naman po, ‘wag pa rin tayong mag-party,” ani Go.



“Ang importante po, kasama niyo ang inyong mahal sa buhay at magsalo-salo ang pamilya. ‘Wag na pong mag-imbita ng kapitbahay o mga hindi nakatira sa bahay niyo dahil importante po na walang magkahawahan,” aniya.

Ayon sa senador, dapat sundin ang health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency ask Force on Emerging Infectious Diseases, tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng masks at face shields sa pampublikong lugar, social distancing at pag-iwas sa mga hindi mahalagang biyahe.

“Marami pa tayong New Year na ise-celebrate kapag nalampasan natin ang pandemyang ito pero kung di kayo naniniwala at nagkaroon kayo ng COVID, eh baka wala na kayong New Year sa susunod na taon,” ani Go.

“So, pili po kayo ng sacrifice ngayon. Magdasal at sama-sama kayo ng pamilya niyo at marami pa tayong New Year na darating sa buhay natin,” dagdag niya.

Tiniyak ni Go na ginagawa ng gobyerno ang lahat para magkaroon na sa bansa ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.



“I urge every Filipino to remain vigilant and cooperate with your government. Lahat pong ito ay ginagawa para sa kapakanan ninyo. Magtulungan lang po tayo at patuloy na magmalasakit sa kapwa. Ang maayos na kalusugan at ligtas na komunidad ang pinaka-importanteng maipapamahagi natin sa ating mga mahal sa buhay sa pagpasok ng bagong taon,” ayon sa senador.

“Magdasal lang po tayo. Maraming salamat po at happy New Year!,” pahabol niya. (PFT Team)