Advertisers

Advertisers

Pagkakakulong ng 8 Pinoy seafarers sa Malaysia, iniimbestigahan na – DMW

0 5

Advertisers

SINIGURO ng Department of Migrant Workers (DMW) na iniimbestigahan na nila ang pagkaka-detain sa Malaysia ng walong Filipino crew members ng barkong MT Krishna 1.

Sinasabing paglabag sa Malaysian immigration laws and regulations ang dahilan kung bakit nakulong sa Kota Tinggi, Malaysia ang Pinoy seafarers.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nais nilang malaman kung bakit una pang nakalaya ang tunay na may mga sala.



Ang naturang mga Pinoy ay nakalaya na at nakauwi na ng Pilipinas matapos ang pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Malaysia at ng Migrant Workers Office (MWO) sa Kuala Lumpur.

Personal din na nagtungo sa DMW Central Office ang Pinoy seafarers kung saan tiniyak ng ahensya ang tulong pinansyal para sa mga ito.

Isa rin sa Pinoy crew ang mag-a-avail ng welding training sa TESDA para sa bagong trabaho sa hinaharap.