Advertisers

Advertisers

PNP: Naitalang krimen noong Holy Week, bumaba ng higit 55%

0 2

Advertisers

NAKAPAGTALA ng 55.56% na pagbaba ng focus crimes sa bansa ngayong Semana Santa 2025 ang Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP mula April 13–20, 2025, apat na kaso lang ng focus crimes ang naitala kumpara sa siyam noong kaparehong panahon noong isang taon.

Walang naitalang kaso ng murder, rape, o carnapping, habang bumaba naman ang kaso ng homicide.



Bagama’t tumaas ang kaso ng physical injury, bumagsak naman ang kaso ng robbery at theft.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, resulta ito ng mas pinaigting na police visibility, maagang deployment ng mga tauhan, at malawakang koordina-syon sa mga local government unit (LGU) at komunidad.

Kasunod nito, tiniyak ng PNP sa publiko na magpapatuloy ito sa pagpapabuti ng mga estratehiya sa operasyon at pagpapatibay ng ugnayan sa mga komunidad upang mas lalo pang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.