Advertisers
Bigong maisalba ng mga doktor sa Rogaciano Memorial Hospital sa bayan ng Sta. Maria ang buhay ng isang lalaki na nagbalik loob na sa pamahalaan na dating leader ng Kadamay sa Residence 3 Brgy. Mapulang Lupabayan ng Pandi, Bulacan.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PRO3 Director BGen. Jean S. Fajardo, kinilala ang nasawing biktima na si Lorenzo Ofalsa Y Reyes, 40- anyos, at residente sa nabangit na lugar.
Nabatid na kakarating lamang sa kanilang bahay ng biktima mula sa isang pakikipagpulong.
Base sa paunang imbestigasyon, 8:30 ng gabi ng mangyari ang pamamaril ng salarin na nakasuot ng helmet, at kulay blue na hoodie jacket, maong short, naka-tsenelas, sling bag at naglakad na parang walang nangyari.
Sinasabing isang tama ng bala nang baril ang tumapos sa buhay ni Ka Enzo, nang barilin sa bunganga.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang.(Thony D. Arcenal)