Advertisers
NATUPAD na ang pagbabago at tuluy-tuloy ang progreso para sa bayan ng La Paz sa lalawigan ng Tarlac.
Arkitekto at instrumental sa pagbangon ng dating nahihimbing na bayan ng La Paz ( napapagitnaan ng progresibong ciudad ng Cabanatuan sa silangan, Tarlac City sa kanluran, bayan ng Victoria sa hilaga at munisipalidad ng Concepcion sa timog,ang subok nang lingkod-bayan na si La Paz Vice Mayor Lorna Manalo at mga kabalikat niya sa pamahalaang bayan.
Siya lang naman ang walang katalu-talong katiket ni re-electionist Mayor Venus Jordan.
Ang bayang ito na aking balwarte rin ay kailan ko lang nakitang kumikig sa aspeto ng asenso at sa wakas ay maituturing nang mapalad ang konstityuwente dahil sa epektibong teamwork ng kasalukuyang administrasyon tungo sa pagsigla ng ekonomiya at kung kabuhayan, komersiyo, imprastraktura, socio sibiko, sining, kultura at palakasan ang pag-uusapan.
Nasikil kasi ng mga dating may timon sa bayan ang pagkatok ng oportunidad para sa tao kaya naging istagnante ang pamumuhay, usad-pagong ang asensong pinagpala lang ang iilan noon,pagdating sa livelihood ay pagsasaka at pangingisda lang ang inaasahan kung saan sa pagitan ng tanim at ani ay tambay na si abay kaya kailangang mangibang-bayan para sa ikabubuhay.
Maaga ring natutulog ang bayan dahil alas-singko pa lang ng hapon ay sarado na ang mga komersyo at andap na ang mga ilaw na dumadagitab lang sa panahong kapistahan ng bayan.( Wish ng Uppercut ay maging ‘city that never sleep ang La Paz dahil 24/7 ang pag-unlad ng komersyo)
Wala pa sa larangan ng pulitika ay matunog na ang LORNA MANALO noon, kahit sa bihirang uwi ko sa Comillas ( dito sa Manila ako naka-base)ay household name siya dahil sa maraming kababayan niyang natutulungan partikular sa aspeto ng kalusugan.
Kaya di naman nagtaka ang korner na ito sa pagiging topnotcher councilor niya nang sumabak na siya sa political arena.
Ito naman ay sinuklian niya ng taos-pusong serbìyo sa mahal niyang Lapazeño na tumimo naman sa tao ang kanyang kabutihan.
Hanggang sa mahinog na siya sa pagiging bise alkalde na lalong nagpagarbo sa kanyang resibo ng pagseserbisyo.
Kung tutuusin ay ‘its all over but the counting’ na kay VM Manalo dahil ang numero dos sa balota ay markado na sa puso nila.
Sa pulso ng bayan ay tiyak nang PANALO si MANALO katuwang ni Mayor VENUS as in VANYA # 1 for Victory!
Lalong matibay ang teamwork to progress kaagapay si Dist.3 Rep.Noel ‘Bong Rivera(#1) at Senatoriable Rodante Marcoleta numero 38 sa balota.Kabalikat dìn ng mamamayan sa kasaganaan ang Kabayan Party List( 120).
Ang winning team ay nasa payong ng NPC at PRP.
Sen.Marcoleta,Cong. Rivera,Mayor Jordan at Vice Mayor Manalo..PANALO ang Lapazeno..
ABANGAN!
Lowcut- Pugay kay SG Vhergel Divina ng McDo Libertad sa Pasay City. Special shoutout kay Ms.Zzypen Garcia at sa Alto White/ Financing.Boom ang car industry ngayon dahil sa magaang sistema ng sales and purchase system ng tulad nila.Kotse pa more!