Advertisers

Advertisers

MINDORO LGUs TIBA-TIBA SA “BLACK SAND MINING”

0 2

Advertisers

NANAWAGAN ang mamamayang mindoreño sa lokal na pamahalaan ng Oriental at Occidental Mindoro na itigil ang dredging operation sa dahil naapektuhan na ang kanilang pamumuhay.

Ayon sa mga residente nais nilang matigil ang paghuhukay at paghahakot ng bulto-bultong buhangin sa mga baybaying karagatan at dalampasigan na dinadala sa China, Manila Bay at mga kalapit pang bansa tulad ng Hong Kong.

Giit nila ang pag-i-export ng milyon milyong metro kubiko ng buhangin sa malalaking imprastraktura ng China sa West Philippine Sea, Hongkong Airport Reclamation Project, Water Front Reclamation Project sa Manila Bay at Bulacan Airport Reclamation Project ang wawasak sa mga baybaying dagat at dalampasigan ng bayan ng Gloria, Naujan, Baco, San Teodoro at Calapan City, Oriental Mindoro. Ganon din sa mga baybaying karagatan at dalampasigan ng Sablayan na kinilala bilang sentro ng Tuna, Santa Cruz, Mamburao at Rizal, Occidental Mindoro.



Matatandaan na 9 ang nasawi sa pagtaob ng MV Hong Hai 16 sa karagatang sakop ng Barangay Malawaan Rizal dahil sa walang habas na dredging ng mga barkong may mga chinese markings.

Dahil sa insidente nagpalabas na nitong lunes ng Cease and Desist Order si Governor Eduardo Gadiano para ipatigil pansamantala ang dredging operations ng Blue Max Tradelink Inc. dahil sa nangyaring pagtaob ng nasabing barko na lulan ang 7,400 cubic meters ng buhangin ng mangyari ang paglubog ng barko na ikinasawi ng 9 katao dahil sa pagmimina ng buhangin.

Malaki din ang hinala ng mamamayang mindoreño at simbahan na hindi dredging operation ang nangyayari sa mga baybaying karagatan at dalampasigan kundi black sand mining na ibeni-benta umano ng mahal sa bansang China, Hongkong at iba pang lugar.

Isang malaking kalokohan din na papayag ang kumpanyang Blue Max Tradelink Inc. na mag-dredging ng libre na walang kikitain. At hindi rin naman siguro estupido sina Gob Dolor at Gob Gadiano na ibibigay nila ng libre ang buhangin sa Mindoro ng walang kapalit?

Sinabi ng mga residente, na hindi sila kayang palusutan nina Gob Dolor at Gob Gadiano dahil kitang-kita sa video ang pagsipsip ng buhangin gamit ang malalaking tubo ng mga barko na may chinese markings.



Siniguro din ng mga residente na walang dredging plan sa mga ahensya ng gobyerno kaya malinaw na hindi pinag-aaralan ang masamang epekto ng paghuhukay sa mga baybaying dagat at dalampasigan ng Mindoro.

Dahil naglabas na rin ng statement ang Pamahalaang Bayan ng Gloria na wala silang permiso na ibinigay para sa proyektong “river dredging” ng provincial government ng Oriental Mindoro sa kanilang bayan.

Matatandang inamin noon ni Mayor Allan Roldan ng makapanayam ito ng media na ang hinukay o sinipsip (dredging) na tone-toneladang buhangin sa bayan ng Baco ay dinadala sa China, Manila Bay at isa pang lugar na hindi niya mabanggit maging ang porsiyentohan.

Ang “sea dredging” ay lubhang mapanganib sapagkat kung mauubos ang lupa sa gitna ng karagatan ay wala ng pipigil sa mga hampas ng malalakas na alon dahilan para unti-unting lamunin ng dagat ang mga dalampasigan, puno at kabahayan. Kaya umapela ang mga residente kina Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody “Odie” Tarriela, Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan at Oriental Mindoro 2nd District Rep. Alfonso “PA” Umali na isama sa imbestigasyon ng Kamara ang epekto ng black sand mining sa dalawang probinsya.

Giit ng mga residente at mangingisda kung hindi isasama ang black sand mining sa imbestigasyon ng Kamara ay mababalewala ang ugat ng problema sa Occidental at Oriental Mindoro.

Naniniwala din ang mga residente na isang komprehensibong imbestigasyon ang kailangan laban sa mga nasa likod ng black sand mining dahil ito ang ugat ng problema sa mga malawakang baha ng nangyayari sa mga naturang probinsya.

Sinasabing bilyong piso kada buwan ang kinikita ng mga contractor sa dredging kuno sa Occidental at Oriental Mindoro.

Ang black sand ay ginagamit na stabilizer sa concrete at steel products gayundin sa mga alahas at cosmetics manufacturing at ang Hongkong ang isa sa bansang sinusuplayan nito.

Ang ipinagtataka kulang bakit “sea dredging” ang nangyayari sa mga baybaying karagatan samantalang “river dredging’ o pagpapalalim ang pinag-uusapan para solusyunan ang baha sa Occidental at Oriental Mindoro at bakit hinahakot ng mga dayuhang barko ang buhangin na pwede namang iwan kung walang hokus pokus na nangyayari?

“Kaming mangingisda kapag napadpad kami sa ibang bayan dahil sa paghahanap ng mahuhuling isda ay sinisita agad kami ng PCG pero itong mga chinese vessels na nagmimina ng buhangin sa aming lugar para silang mga bulag na walang nakikita.” – Hinaing ng isang mangingisda

Gayunman, ipinagtaka rin ng ilang residente at mangingisda kung bakit sa dagat at hindi sa ilog nagde-dredging ang mga chinese vessels samantalang pagpapalamig sa mga kailogan ang gustong mangyari nina Gob Dolor at Gob Gadiano para masulusyunan ang baha.

Pero bakit nga ba sa dagat at hindi sa ilog nagsagawa ng dredging?

Una ng inihayag ng ilang barangay officials na kapansin-pansing may ilang contractor na nagde-dredging pero kinukuha ang buhangin gayong dapat ay iniiwan o inihihiwalay lamang ito.

Isa anya ito sa mga halimbawa ng black sand mining na mahigpit na nire-regulate sa Pilipinas at maari lamang isagawa sa mga partikular na lugar.

Sa ilalim ng Republic Act 7942 O Philippine Mining Act of 1995, ipinagbabawal ang mining sa offshore areas sa loob ng 500 meters habang 200 meters naman kapag onshore areas.

Gusto kulang iklaro kina Gob Dolor at Gob Gadiano na magkaiba ang ilog at dagat?

Tutukan natin ito!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com