Advertisers
SUMAKABILANG buhay na si Pope Francis nitong Lunes, Abril 21, 2025 sa edad na 88 habang siya ay nasa Vatican’s Casa Santa Marta.
Si Pope Francis, na ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio noong Disyembre 17, 1936 sa Buenos Aires, Argentina, ay anak ng mga imigranteng Italyano. Bago siya pumasok sa seminaryo, nag-aral siya bilang chemical technician at nagtrabaho sa industriya ng pagkain. Sa edad na 21, nagkaroon siya ng malubhang pneumonia na nagresulta sa pag-alis ng bahagi ng kanyang kanang baga.
Noong 1958, sumali siya sa Jesuit novitiate at nag-aral ng humanities sa Santiago, Chile. Siya ay naging pari noong Disyembre 13, 1969, at noong 1973, ginawa niya ang kanyang perpetual vows sa Society of Jesus. Siya rin ang naging Jesuit provincial ng Argentina mula 1973 hanggang 1979.
Bilang Archbishop ng Buenos Aires noong 1998, kilala siya sa kanyang simpleng pamumuhay, nakatira sa isang maliit na apartment at gumagamit ng pampublikong transportasyon.
Siya ay naging Cardinal noong 2001 sa ilalim ni Pope John Paul II. Noong Marso 13, 2013, siya ay nahalal bilang Santo Papa, ang unang Jesuit Pope, unang mula sa Latin America, at unang hindi Europeo sa loob ng mahigit 1,000 taon.
Ang kanyang pamumuno ay nakatuon sa mga isyung tulad ng pagbabago ng klima, pagkakapantay-pantay ng yaman, at pagtulong sa mga marginalized na sektor ng lipunan.