Advertisers

Advertisers

Walang pruweba

0 458

Advertisers

HINDI kami sang-ayon sa pagbubunyag ni Rodrigo Duterte sa mga pangalan ng mga korap na mambabatas umano. Manananggol siya at alam niya ang batas. Bagaman nilinaw niya na hindi beripikado ang mga nasa listahan, maiging maintindihan natin na walang saysay ang kanyang listahan. Hanggang hindi siya nagsasampa ng anumang sakdal sa husgado, bale-wala ang kanyang pagbubunyag. Maitataga ito sa bato.

Bigyan natin ng puwang ang mga mambabatas na nadawit sa maituturing na iresponsableng pagbubunyag. Dumipensa si ACT-CIS Party List Rep. Eric Yap sa pagpapangalan sa kanya ni Duterte at sa ilang mga kongresista na sangkot sa korapsyon batay na rin sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Paliwanag ni Yap, malinaw sa sinabi ni Duterte na walang malakas na ebidensya at wala naman kasong naisasampa laban sa mga mambabatas na idinidikit sa katiwalian.

Kasabay nito ang mariing pagtanggi ni Yap sa alegasyon ng korapsyon ni PACC Commissioner Greco Belgica. Kabilang sa mga alegasyon ang pakikiaalam umano ni Yap sa bidding ng mga proyekto ng DPWH sa Benguet at ang pag-areglo sa kaso ni Ifugao District Engineer Lorna Ricardo sa Ombudsman.



Katwiran ni Yap, January 27, 2020 nang siya ay gawing caretaker sa Benguet kung saan tapos na ang mga bidding sa proyekto para sa 2020 kaya malabong pakialaman niya ito. Walang katotohanan na inareglo niya ang kaso ni Ricardo kundi tumawag lamang siya noon kay Belgica para kumpirmahin kung talagang may kaso ito.

Duda si Yap dahil pumutok ang isyu ng katiwalian sa ilang mga mambabatas nang sampahan ng criminal at administrative complaints si Belgica ng mga empleyado ng Duty Free Philippines Corp (DFPC) bunsod ng paggamit sa kanilang kaso para magkaroon ng koneksyon si Belgica sa Duty Free. Malinaw ang motibo ni Belgica, pahiwatig niya.

***

KASAMA kami sa mga nananalig na mapapalaya si Senadora Leila de Lima. Pumayag ang hukuman na dumidinig sa kanyang kaso na mag-isyu ang kanyang kampo ng demurrer to evidence. Sa mga abugado, ang demurrer ay kahilingan sa hukuman na ideklarang “legally deficient” ang isang sakdal. May kapangyarihan ang isang husgado na sabihin na kulang sa sustainsiya at ebidensiya ang isang sakdal.

Hindi ito nalalayo sa pagpapawalang sala. Sa totoo, may bisa ito ng pagpapawalang sala. Kapag sinabi ng isang korte na kulang sa laman ang isang asunto, hindi malayo na mapalaya ang nasasakdal. Walang ibang kahihinatnan iyan kundi pakawalan ang isang nakakulong. Bakit hindi? Gawa gawa lamang nina Jose Calida ang sakdal laban kay de Lima. Hindi kagalingan na abugado si Calida.



***

KASAMA kami sa mga umaasa na magiging masagana at mabiyaya ang 2021. Hindi namin malilimutan ang 2020. Hitik ito sa kamalasan. Enero pa lang kalamidad na ang pumasok. Pumutok ang Bulkang Taal noong Enero at libo libo ang naapektuhan.

Pumasok ang Pebrero at iba naman ang pumutok – pandemya na sanhi ng Covid-19. Hindi kaagad kumilos ang gobyerno ni Duterte. Hilo at lito. Hindi alam ang gagawin. Militarisasyon ang isinagot. Naglagay ng maraming checkpoint at roadblock na sa buong akala mapipigil ang mga virus. Hindi pala.

Nagdeklara ng mapinsalang lockdown na nagpadapa sa negosyo at trabaho. Maraming nagsarang kumpanya. Nangutang ng nangutang ng bilyon-bilyong piso ngunit hindi malinaw hanggang ngayon kung saan napunta ang salapi ng bayan. Nasa P10 trilyon na ang utang ng national government.

Lima o anim na bagyo ang bumisita sa bansa sa huling apat na buwan. Nagdulot ng matinding pinsala sa bansa dahil sa bagyo. Baha, landslide, at pagkasira ng mga pananim. Hindi nakita si Duterte na pinaniniwalaang natulog laman (literal iyan). Dito tumingkad si Bise Presidente Leni Robredo. Nakita ang galing ng Pangalawang Pangulo. Totoong mapinsala ang 2020.

***

MGA PILING SALITA: “It seems that even the Covid-19 has learned Sun Tzu’s “Art of War.” As soon as the anti-Covid vaccine was rolled out to target its original strain, it mutated into a new strain to bring the war into another level and form.” – Sahid Sinsuat Glang, retiradong sugo at netizen

“Those who are behind Pacquiao’s presidency must be plotting to use someone who is totally unfit as a straw man for their agenda. Traitors & mercenaries they all are!” – Tina Astorga, netizen

“The anti-Covid-19 vaccine is now a political weapon. Drug firms that make them and their gov’ts would use it to pressure their client-states to follow laws and treaties on human rights, children’s welfare, and climate change. Populist leaders like Rodrigo Duterte won’t have it at a flick of their dirty fingers. The market is so huge – at almost 8.0 billion people. They can dictate what they want. Duterte should understand this basic fact.” – Ba Ipe, netizen

“The Magnitsky Law and its extended version, the Global Magnitsky Law, are two laws that could be used against Rodrigo Duterte and his minions, who have conspired to put Leila de Lima in jail for more than three years on the basis of trumped up charges. The U.S. Senate resolution, approved in 2019, provides the basis for the implementation of the two Magnitsky laws. The U.S and members states of the European Union can deny them visas, withdraw their visa, and free their assets if their respective countries. Hence, it could be messy. As the ongoing trial of de Lima shows, they hardly have the evidence to put her in jail. When the Democrats assume power on Jan. 20, 2021, it would be a totally different story. Harry Roque, Sal Panelo, and Jose Calida could challenge the two Magnitsky Laws as sort of bills of attainder against Duterte et. al. But where would they lodge the challenge? Before the U.S. Supreme Court? Do they have the legal standing to do it? They can always retaliate against the U.S. and the European Union. But it’s like the mouse challenging the big cat ..” – Philip Lustre Jr., mamamahayag at netizen

“By Jan. 20, 2021, the Democrats will be in power. They have a different brand of politics when compared to Donald Trump and the Republicans. Besides, the Americans have the Magnitsky Law and its extended version, the Global Magnitsky Law, at its disposal. Duterte and his minions could not go to the U.S. and member-states of the European Union. They can only go to China and desert states of Africa. Even at the height of Trump’s power, a bipartisan group of American lawmakers have passed a Senate resolution condemning Leila de Lima’s imprisonment on the basis of trumped-up court charges. Life would be difficult for Duterte and his minions when they are no longer in power. Endgame is coming…” – Bernie Festin, US based netizen