Advertisers
INIULAT ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful at walang naitalang major incidents na naganap sa buong obserbasyon ng Holy Week nitong nakaraang linggo.
Ito ay ayon sa naging mga pahayag ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil kung saan kinomenda niya ang mga kapulisan na siyang nagduty at nagbantay sa mga terminal, pantalan, mga simbahan at maging sa mga lansangan ng Metro Manila sa buong huling linggo ng Kwaresma.
Ayon sa PNP Chief, ang pagiging vigilante at ang naging pagpapalakas ng presensiya ng mga pulis sa mga pangunahing areas sa nakalipas na linggo ay siyang naging susi kung bakit naging mapayapa ang naging obserbasyon ng Holy Week.
Matatandaan namang nagtalaga ang PNP ng kabuuang bilang ng 65,000 na mga pulis na siyang ipinakalat sa ibat ibang lugar na siyang inasahang dadagsain ng publiko lalo na sa mga simbahan.
Samantala, ang deployment na ito ay inaasahang aabutin hanggang sa matapos ang Summer Vacation 2025 upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko.