Advertisers

Advertisers

Larawan ni Imee Marcos kasama ang umano’y kidnaper kumalat sa social media

0 9

Advertisers

NAG-TRENDING si Senador Imee Marcos sa social media matapos lumutang ang kanyang larawan kasama ang umano’y kidnaper na si David Tan Liao, na sumuko kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Filipino-Chinese na si Anson Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo.

Ibinahagi ng X account na Thirty One Million ang nasabing larawan kung saan makikita sina Liao at Marcos na naka-“V” sign sa isang event.

Ayon sa naturang post, tinukoy ng Philippine National Police (PNP) si Liao bilang utak sa likod ng pagdukot at pagpatay kina Que at Pabillo.



Sinabi rin sa post na gumagamit si Liao ng iba’t ibang alyas gaya ng Xiao Chang Jiang, Yang Jianmin, at Michael Agad Yung.

Kusang sumuko si Liao nitong Sabado, habang naaresto naman ang dalawa niyang kasabwat na sina Richardo Austria David at Raymart Catequista sa Roxas, Palawan noong Biyernes. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Ayon sa PNP, dalawa pang Chinese nationals na sangkot umano sa krimen ang patuloy na pinaghahanap.

Huling nakita sina Que at Pabillo noong Marso 29 sa Valenzuela City. Kinabukasan, nakatanggap ng ransom demand na $20 milyon ang pamilya ni Que.

Kahit nagbayad ng ransom, pinatay pa rin ang mga biktima at natagpuan ang kanilang mga bangkay sa Rodriguez, Rizal noong Abril 9.