Advertisers

Advertisers

Imee feeling close sa ‘prime suspect’ sa Que kidnap-slay

0 12

Advertisers

WALA nang isang buwan bago ang midterm elections, laglag parin sa pre-election surveys si Senator Imee Marcos kahit sinasabing bilyon-bilyong piso na ang kanyang nagagastos sa kampanya. Araguy!!!

Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa April 11-15 at kinomisyon ng Stratbase Group, nasa pang-13 at pang-14 na puwesto lang si Imee, katabla niya ang comedian at host na si Willie Revillame.

Mukhang hindi rin makakatulong kay Imee ang pag-endorso sa kanya ni Vice President Sara Duterte. Tsk tsk tsk!!!



Ayon kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation director, Atty. Larry Gadon, mas mawawalan pa ng boto ang presidential sister dahil dito. Mismo!

“Isang malaking pagkakamali kay Sen. Imee Marcos na magpa-endorse siya kay VP Inday Sara dahil ito ay isang kiss of death ganu’n din si (House Deputy Speaker) Camille Villar dahil wala naman talagang tao ang mga Duterte,” bira ni Gadon.

Dagdag ni Gadon, nakausap niya ang ilang Marcos loyalist leaders na nadismaya sa pakikipag-alyansa ni Imee sa mga Duterte, kahit pa may mga kontrobersiyal na pahayag noon si VP Sara, gaya ng pagbabanta nitong ipapahukay at ipapatapon sa dagat ang labi ni dating Pangulo Marcos Sr., at ang pag-amin nito na may kinausap itong isang tao para patayin si Pangulong Bongbong Marcos.

“Itong ginawa ni Imee na nagpa-endorse kay Sara mas malaki ang mawawala sa kanya. Kasi marami ang nagagalit na mga Marcos loyalist kasi bakit niya kinakampihan ang mga Duterte sa kabila ng lahat, na gustong ipatapon ni Sara, ipahukay sa libingan si the late President Marcos, Sr. (at itapon sa West Philippine Sea), at ‘yung plano na ipapatay si BBM, si (First Lady) Liza (Araneta-Marcos), at (Speaker Ferdinand) Martin (Romualdez), eh bakit kinakampihan parin ni Imee,” ani Gadon.

Lalo pang pupulutin sa kangkungan si Imee sa May 12 elections dahil narin sa isang litrato na kumakalat ngayon sa social media. Matapos ang pagsuko ni David Tan Liao, isa sa mga pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, lumabas ang isang picture kung saan kasama ni Imee si Liao.



Mismong si veteran journalist Ramon Tulfo ang nagbahagi ng nasabing larawan sa kanyang Facebook page at binanggit niya sa caption ng kanyang post na posibleng may koneksiyon si Liao sa iba pang maimpluwensiya at kontrobersiyal na mga personalidad. Puede!!!

“Baka kilala rin niya o kaibigan si Michael Yang, kaibigan ni Digong, na sinasabing isang drug trafficker,” ani Tulfo.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan si Liao sa hindi bababa sa limang kaso ng pagdukot mula Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2025. Kilala rin si Liao sa iba’t ibang alyas gaya ng Ciao Cian Jiang, Yang Jianmin, at Michael Yung.

Noong Abril 18, naaresto ng mga awtoridad sa Palawan ang dalawa pang Pilipinong suspek sa pagpaslang kay Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo.

Hinahanting pa ng PNP ang ibang sangkot sa Que-Pabillo kidnap-slay. Subaybayan!

***

18 days nalang eleksyon na. Maghahalal uli tayo ng mamumuno sa ating bayan/lungsod at lalawigan para sa tatlong taon na termino, at 12 senador para sa anim na taong panunungkulan bilang mambabatas.

Dasal ko na maghalal tayo ng tamang kandidato, hindi ‘yung mga kandidatong may mga personal na interes para sa kanilang negosyo. God bless sa aton tanan…