Advertisers

Advertisers

Vote buying cases isinampa vs Rep. Vargas

0 18

Advertisers

MARAMING kaso umano ang isinampa laban kay QC District 5 Congressman PM Vargas ng mga residente ng nasabing distrito kaugnay sa isyu ng vote buying.

Ayon sa report ng himpilan ng radio na DZRH kasong paglabag sa Omnibus Election Code at paglabag sa Comelec Resolution Number 11104 ang isinampa ni alyas Robert at alyas Roland laban kay Congressman PM Vargas.

Sinabi pa sa report ng reporter ng DZRH na si Val Gonzales sa reklamo, sinabi ni Alyas Robert na nakatanggap umano siya ng text message noong Abril 7, 2025 na ang DSWD ay namamahagi ng tulong sa pamamagitan ng AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program sa covered court sa kanilang lugar.



Pagdating umano nila sa nasabing lugar, hindi sila kasama sa listahan ng mga nabigyan ng ayuda dahil mali ang sagot nila sa tanong kung warriors ba sila o hindi.

Ayon pa umano sa report ang warriors ay kilalang loyal supporters ni PM Vargas. Isinumite din ng dalawa sa korte bilang ebidensya ang nakunan nilang video ng aktwal na abutan ng tig-P3,000 sa mga pumuntang ‘warriors’.

Kugnay nito nabatid sa ulat na nilinaw ng dalawa na walang nag-utos sa kanila na magsampa ng reklamo laban kay PM Vargas nguni’t nais lamang nilang ilantad ang talamak na vote buying gamit ang pampublikong pondo. (Boy Celario)