Advertisers

Advertisers

7 pulis sa pagbaril kay Espinosa, kakasuhan

0 9

Advertisers

Nakatakdang sampahan ng kasong administratibo ang pitong pulis na persons of interest sa pamamaril kay confessed drug lord at mayoral candidate Roland “Kerwin” Espinosa, na ikinasugat ng dalawa pang katao, noong Abril 10, 2025.



Ayon kay Colonel Dionisio Apas Jr., direktor ng Leyte provincial police office, inihanda na muna nila ang kasong administratibo laban sa pitong pulis habang patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon at kumakalap ng matibay na ebidensya.

Aniya, para hindi maibasura ang kasong isasampa laban sa pitong pulis ay kakasuhan muna ang mga ito ng administratibo sunod ang criminal at kapag napatunayan na “guilty“ ang mga ito ay awtomatikong tanggal ang mga ito sa serbisyo.

Noong Abril 14, 2025, nagsampa ang Leyte police laban sa pitong pulis ng illegal possession of firearms at paglabag sa Commission on Elections gun ban sa Leyte Provincial Prosecutor’s Office.

Isinuko ng pitong pulis ang 14 armas na hindi rehistrado at walang kaukulang dokumentasyon matapos mamataan ang mga ito 200 metro ang layo sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Isinailalim naman sa paraffin tests ang pitong pulis subalit negatibo ang mga ito sa gunpowder sa kanilang kamay.

Matatandaan na noong Abril 10, 2025 ay namataan ang pitong pulis sa loob ng pribadong compound sa Barangay Tinag-an, Albuera, Leyte.

Nabatid na magsisilbi sana ang pitong pulis ng search warrant sa isang personalidad sa nabanggit na lugar.