Advertisers

Advertisers

Bong Go una pa rin sa 2025 senatorial race — SWS

0 6

Advertisers

Nananatili si reelectionist Senator Bong Go sa nangungunang senatorial bet para sa 2025 midterm elections, batay sa commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Abril.

Ang survey na inisponsoran ng Stratbase Consultancy, ay nagpakita na si Go ang No. 1 sa listahan ng 12 potensyal na mananalo para sa mga senador sa May 12 elections. Nakuha niya ang 45% ng mga respondent na nais siyang iboto o ibalik sa Senado.

Ang survey ay isinagawa noong Abril 11-15, 2025, at gumamit ng face-to-face interview sa 1,800 rehistradong botante na may edad 18 pataas, sa buong bansa.



Mayroon itong sampling error margin na ±2.31% para sa pambansang porsyento, ±3.27% para sa Balanse Luzon, at ±5.66% bawat isa para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

Kaugnay nito, lubos na pinasalamatan ni Go ang mga botante sa patuloy na ipinakikitang tiwala at suporta sa kanya.

“Nakawawala po ng pagod ang inyong patuloy na suporta sa aking pagseserbisyo saan mang bahagi ng bansa—Luzon, Visayas, at Mindanao,” sabi ni Go.

Ayon sa senador, ito ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para higitan pa lalo ang pagtatrabaho, pagseserbisyo, at pagmamalasakit, lalo sa mga kababayang mahihirap.

“Makakaasa po kayo na uunahin ko palagi ang interes ng bayan at ang kapakanan ng mga kababayan nating mahihirap. Sipag, pagmamalasakit, at more serbisyo po ang pwede kong maialay sa ating kapwa Pilipino,” anang mambabatas.



Pinasalamatan din niya ang mga Pilipino sa ibinibigay na suporta sa kanyang mga kapartido, ang ‘DuterTEN’. Katulad niya, nais ng binansagang “DuterTEN” na ipaglaban ang magagandang nagawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.