Advertisers

Advertisers

Construction worker, kulong sa panunutok ng baril

0 12

Advertisers

Kulong ang 43-anyos na construction worker nang pasukin at tutukan ng baril ang may-ari ng bahay sa Navotas City.

Nahaharap sa mga kasong Tresspass to Dwelling, Grave Threats, at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at B.P. 881 (Omnibus Election Code) ang suspek na si alyas “Randy”.

Ayon sa 57- anyos na biktima, natutulog pa siya nang maalimpungatan sa ginawang ingay ng puwersahang pagpasok ng suspek sa loob ng kanyang bahay sa 438 Bausa St. Brgy. BBS kaya nagmadali siyang lumabas ng kanyang silid.



Nang makita siya ng suspek, tinutukan siya ng baril at binantaang papatayin kapag lumikha ng ingay kaya sa labis na takot mabilis na tumakbong palabas at humingi ng tulong sa nagpapatrulyang mga tauhan ni Navotas Police chief P/Col. Mario Cortes.

Kaagad namang rumesponde ang mga operatiba ng Navotas Police Sub-Station 3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakuha sa kanya ang isang hindi lisensiyadong kalibre .9mm Armcor pistol na may pitong bala.(Beth Samson)