Advertisers

Advertisers

SURVEY PULSE PHILIPPINES LEHITIMONG RESEARCH ORGANIZATION

0 13

Advertisers

Ukol ito sa isang news item na nailimbag sa Police Files Tonite noong Pebrero 16, 2025 na may pamagat na, “Pekeng Survey ng ‘Social Pulse Philippines’ iniimbestigahan – PRAMA.”

Sa nasabing news item, sinasabi ni Anton Salvador, nagpakilalang kinatawan umano ng Philippine Research and Marketing Association, Inc., na peke ang survey group na Survey Pulse Philippines.

Aming napag-alamang ang Survey Pulse Philippines ay nakarehistro sa ilalim ng Social Pulse Market Research Services, at ang lumalabas na walang rehistro ang PRAMA, sa isinagawang pag-check sa Securities and Exchange Commission.



Kasalukuyang nahaharap ang PRAMA at si Salvador sa kasong libel na nakaambang isampa ng Social Pulse Market Research Services.

Ito ay pagtutuwid ng Police Files Tonite na deka-dekada na ang track record sa media industry at kilala sa balance at fact-based na pag-uulat ng mga balita.