Advertisers
Ni Archie Liao
HINDI nagustuhan ni Andre Paras ang kumalat na photos na ipinost ng isang vlogger kung saan makikitang nakikipagwalwalan ang kanyang kapatid na si Kobe.
Dahil sa nasabing mga larawan, nagkaroon tuloy ng espekulasyon na ang pagiging chickboy ng dating cager ang dahilan ng hiwalayan nila ni Kyline Alcantara na recently naman ay idinenay ng ama ni Kobe na si Benjie Paras.
Sa kanya namang IG, hindi napigilang pumiyok ni Andre sa nag-circulate na pics at rumor hinggil sa pagiging womanizer ng kanyang utol.
Ito ay pagkatapos na madawit din ang isang bebot na diumanoý third party sa breakup na later on ay idinenay ang isyu bilang very much married woman.
Diretsang in-address ni Andre ang isyu sa kanyang IG.
Aniya: “kobe is with his friends and he’s having fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?
Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nagbabasa lang sila ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog.
If you really cared about kybe then you will not be doing this at all.
I know what you’re trying to do
You’re trying to make my brother look like a bad person.
Since magaling kayo mag stalk eh di dapat alam niyo yung mga kasama na babae dyan ay ang mga girlfriend ng mga friends ni kobe?
Pero of course di mo sasabihin sa followers mo yan dahil gusto mo gumawa ng issue.
Issue = views
views = monetary gains
i understand how addicting it is to get views and comments on a social media post.
But doing it this way? Nako po
Using others name and private life for clicks and views?
If you’re monetizing this then it will say a lot about what you’re trying to do maam.
Don’t even try deleting the videos you’ve made or even blocking me. You’ll just be tampering with evidence.
I’m his kuya and I have the right to stand up for him against people like you who only care about making him look bad.”
Dahil sa development na ito, posible raw na magsampa ng reklamo si Andre sa nabanggit na vlogger who put his brother in a bad light.