Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAY eksenang seksi si Sanya Lopez sa movie na Samahan ng mga Makasalanan; kapag may offer na ganoong role sa kanya ay lagi ba siyang game or may hesitation pa rin siya?
“Actually, nung ginawa ko ‘to may hesitation na talaga ako e, lalo na kay… sobrang seryoso kasi talaga ni David e,” at tumawa si Sanya pagtukoy sa bida ng pelikula na si David Licauco as Reverend Sam.
“Hindi ano, siguro kaya ko lang naman tinanggap ‘to because number 1, maganda yung story, nakakatuwa siya sobra at may mapupulot talagang aral dito.
“So nagbabase din talaga kami now dun sa…kapag may sexy na part, kung talagang maganda yung pelikula. So medyo pinipili lang po namin sa ngayon.”
Pinag-usapan at hinangaan ang mabibigat na pagganap ni Sanya sa heavy drama na Pulang Araw; naging mahirap ba para sa kanya ang pag-shift ng acting niya mula sa Pulang Araw na character niya at dito sa sexy at comedy role sa Samahan Ng Mga Makasalanan?
“Sa totoo lang, nung time kasi ng Pulang Araw sobrang bigat niya e, so nung dumating sa akin itong Samahan ng mga Makasalanan, actually para akong alam mo yung… actually refreshing siya for me.
“Parang iyon yung way para medyo bumitaw muna ako dun sa ano [Pulang Araw], kasi sobrang bigat niya, to the point na kailangan ko ng hingahan.
“At itong Samahan Ng Mga Makasalanan siguro maganda rin kasi yung bonding naming mga cast doon, sobrang gaan lang din, so may… iba kasi yung bonding namin dun, so naka-help siya sa akin.
“So hindi siya masyadong naging challenge for me kasi in-enjoy ko rin siya.”
Na-challenge ba siya sa eksenang pang-aakit kay David?
“Nung umpisa kasi nun… isa yun sa talagang kinabahan po ako, kung meron mang challenging sa part na ‘to, yung pang-aakit talaga kay David.
“Tapos merong eksena na hindi pa niya nakikita kung ano yung suot ko, so pagbukas niya ng pinto, tumawa, nawala na yung ano, sabi ko sa kanya, ‘huy sandali ‘wag kang tatawa!’
“Kasi nakalimutan niyang, ‘Ay pari pala ako, bawal pala yun!’
“So masaya naman. In short, in fairness naman po kasi kay David, first time ko siyang nakatrabaho sa ganitong klaseng magaan na pelikula , masaya lang, and siya na seryosong tao, tahimik lang, very nonchalant, di ba?
“Pero ang cute lang na marunong siyang makisama at hindi rin po ako nahirapang pakisamahan si David. “Though, before pa magkakilala na rin naman kami, so naging magaan na rin naman po para sa amin.”
Kasama rin sa cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan, na showing sa mga sinehan ngayong Black Saturday, April 19, sina Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singson, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Domanais), Tito Marsy (Christian Kimp-Atip), Yian Gabriel, Liana Mae, at Euwenn Mikaell.
Produced ng GMA Pictures at ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, ang pelikula ay sa direksyon ni Benedict Mique na katuwang ding sumulat ng script ni Aya Anunciacion.