Advertisers

Advertisers

TOTOO BA ANG SUSPECTS?

0 10

Advertisers

PINUPURI natin ang Philippine National Police (PNP) matapos ihayag nitong ‘Sabado De Glorya’ na “hawak” na nila ang tatlo sa umano’y limang suspek sa brutal na ‘kidnap-slay’ kay Fil-Chinese businessman, Anson Que/Anson Tan at sa kanyang driver na si Armie Pabilllo.

Ayon pa kay PNP spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, agad na pinatay ng mga kidnaper ang dalawa noong Marso 29 sa isang bahay sa Bulacan. Natagpuan naman ang kanilang mga bangkay sa Rodriguez, Rizal noong Abril 9.

Dalawa sa mga suspek ay “nadakma” umano ng PNP sa Palawan noong Abril 18. Samantala, “boluntaryo” naman umanong sumuko ang suspek na si ‘David Tan Liao,’ na umano’y isa ring ‘Chinese national,’ dahil “nangangamba” sa kanyang buhay” (fear for his life), sabi pa ni PNP Fajardo.



Sadyang karumal-dumal ang nasabing krimen na sumindak sa buong ‘Business Community’ partikular sa hanay ng ating mga kababayang ‘Fil-Chinese.’ Nagbayad na nga kasi anila ng ‘ransom money’ na umano’y higit P100 milyon, brutal pa ring pinatay ang mga biktima.

Marami namang “tahiran” sa hanay ng mga ‘police beat reporters’ at kahit sa hanay ng ating mga Fil-Chinese ang nagtataka sa naging “asal” nitong suspek na si Liao.

Lumalabas kasi na isa siyang ‘hardened criminal’ na sanay ‘mang-torture’ at pumatay na kanyang mga biktima. At pagkatapos ay bigla na lang susuko dahil “nangangamba” sa kanyang buhay? Kapani-paniwala ba, Boss Dave Verdiano, Alfred Dalizon at kasamang Non Alquitran?

Nagtatanong din ang mga miron na sa kabila ng kanilang ‘major accomplishment,’ si Fajardo lang ang humarap sa ‘press con’ at wala ang mga bosing katulad ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil. Nasa bakasyon ba?

At bakit walang sinabi tungkol sa ransom?