Advertisers

Advertisers

Pagbalik sa NFA ng Mandato sa Pagbili ng Palay sa Magsasaka – Mungkahi ni Rep. Tulfo

0 5

Advertisers

Upang matiyak na may murang bigas na mabibili ang mga tao sa buong taon, suhestiyon ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo ay ibalik na sa National Food Authority (NFA) ang mandato ng pagbili ng mga palay sa mga magsasaka para ibenta bilang murang bigas sa merkado.

Ayon kay Cong. Tulfo, “wala kasing kakompetensya ang mga rice traders sa pagbili ng mga palay sa mga lokal na magsasaka kaya binabarat nila ang presyo.”

“At dahil kontrolado nila ang presyo sa farmgate, halos ginto ang presyo kapag binenta nila sa merkado.”



“Ngayon kung nariyan ang NFA, eh di may murang bigas lagi sa merkado,” ani Tulfo.

“Napapanahon na upang muling aralin at rebisahin ng Kongreso ang Rice Tariffication Law dahil ito ang nag-alis sa NFA ng mandato na makabenta ng murang bigas,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa ngayon, limitado na lang sa pag-iimbak ng bigas bilang buffer stock at pag-release nito kapag nagdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng food security emergency, ang tungkulin ng NFA. Ngunit kamakailan lang, kahit nagdeklara ng emergency ang DA, kakaunti lang ang LGU na bumili ng NFA rice kaya naiipon pa rin ang suplay sa mga bodega.

“A few years ago, bawat palengke may mga pwesto na may tinda ng NFA rice. May napagpipilian ang tao na murang bigas,” dagdag ni tulfo.

“Ngayon kasi ang traders at retailers ang nagpe-presyo ng bigas, Walang kakompetensya na NFA kaya nako-kontrol na gawing sobrang mahal ng presyo ng bigas sa merkado ngayon,” pagdidiin ni Cong. Tulfo.



Dagdag pa ni Tulfo, dapat ding ibalik ang mahigit-kumulang 15,000 na accredited rice retailers sa buong bansa para muling makapagtinda ng NFA rice.

Nangako itong agad na aralin at amendyahan ang RTL kapag pinalad na mahalal ito bilang senador sa darating na Mayo. (Cesar Barquilla)