Advertisers
SASABAK ang Filipino pole vault ace na si Ernest John ‘EJ’ Obiena sa Xiamen leg ng Diamond League sa China sa Abril 26.
Ang Xiamen leg ay ang kauna-unahan ng Diamond League’s 15 stops na matatapos ang final sa Zurich, Switzerland sa Agosto.
Bilang bahagi ng preparasyon para sa nasabing tournament pati na rin sa Shanghai leg at ang Asian Championship sa South Korea, Obiena ay nag set up ng kanyang training camp dito sa Pilipinas sa unang pagkakataon.
Si Obiena ay nagte-training sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite kasama ang kanyang coach dating Olympic gold medalist Vitaly Petrov.
Makakasalamuha ni Obiena ang pamilyar na mukha sa Xiamen na babanderahan ng dating World and Olympic champ Armand Duplantis ng Sweden, ang top-ranked pole vaulter na binura ang rekord na 6.26m clearance.
Sasabak rin ang Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks ng United States at bronze medalist Emmanouil Karalis ng Greece sa Xiamen.
Kumumleto sa 11-man field ay sina Ben Broeders ng Belgium, Sondre Guttormsen ng Norway, Kurtis Marschall ng Australia, Ersu Sasma ng Turkey, Menno Vloon ng Netherlands, at home bets Huang Bokai at Li Chenyang.
Huling sumabak si Obiena sa Taiwan International Pole Vault Championships kung saan nagwagi siya ng gold nakaraang buwan sa nalundag na 5.50m clearance sa kanyang third attempt, sa mahamog na Sun Moon Lake area.