Advertisers

Advertisers

Robin binash ang pag-iyak sa Senado

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGREAK si Janno Gibbs sa post ni Gene Padilla about Claudia Barretto’s wedding.

Pinagtanggol ni Gene ang kapatid na si Dennis, regarding sa ginawa lang umanong bisita ang kapatid sa kasal ng anak niyang si Claudia.



Nag-iwan ng komento ang singer na si Janno na isang emojis depicting his sympathy towards his friend, Dennis.

Prangka niyang sinagot ang commenter. The singer’s comment received “enabler” remarks, prompting Janno to pen a fiery reply.

Pagbabahagi ni Gene, “Ngayon lang po ako magsasalita… by 1 PM nasa church na po ako… galing Bulacan going to Alabang… si mama po namin 5 AM gumising na excited same kay Kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya… ngayon lang ako naka-witness ng kasal na di part ng program ang ama ng bride… sa aga namin dun… na nandun mga event organizer wala man lang nagsabi na di siya part ng program…”

“Di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar… nagtanong kami kung san uupo ang nanay namin, ang sabi kahit saan dun at yung ama dun na lang DAW tumabi sa mga ninong… kaya kami ni Kuya Dennis pumunta na lamang sa likuran…”

“Napaluha at napaiyak si Kuya sa mga nangyari… kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa kinasal. Naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin… Naramdaman ko yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama rin ako…” “Puro kayo karangyaan at kasikatan… sa inyo na lahat yan… sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo,” ani pa ni Gene sa post.



“Dennis Dominguez Padilla… di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!”

Ang reaksyon ni Janno ay nagpadala ng tatlong crying emojis sa comments section.

Agad na nakatanggap ng “enabler” comments ang singer na hindi nagustuhan ni Janno.

Prangkang sagot ng singer, “Mga put@ngin@nyo. Wala nmn ako sinabing sang ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na? Hindi ko siya pinagtatanggol, mga ul*l. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga t@nga.”

***

NAKABALIK na si Senator Robin Padilla mula sa pagbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Binisita ng senador si FPRD, dahil gusto raw niya itong kausapin kung saan ang former President ang chairman ng kanilang partido, ang Partido Demokratiko Pilipino at ang aktor-pulitiko naman ang president ng nasabing partido.

Um-attend si Robin ng Senate inquiry na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos over Duterte’s arrest.

Hindi napigilan ni Robin ang mapaiyak habang on going ang hearing na nakakuha ng attention sa mga taong naroroon.

Isa na very vocal na nagreak sa reaction ng senador ay si Ka Leody de Guzman, isang social labor rights activist na tumakbo ring Presidente nung 2022 but lost to Pres. Bongbong Marcos.

Sa Facebook post ni Ka Leody ay pinuna niya ang pag-iyak ni Robin.

Aniya: “ANO ‘TONG INIIYAK NI ROBIN PADILLA

“Ginagastusan ng taumbayan ang walang saysay na senate hearing ni Imee Marcos para lang panooring umiyak si Robin Padilla. Kung ganyan lang rin ay bumalik na lang siya sa paga-artista. Ilang linggo umabsent ‘tong si Robin para magbakasyon sa Hague at pag-uwi lang sa Pilipinas ang una nyang gagawin ay iiyak?

“Akala ko ba ‘akyson hindi drama’? Sayang ang buwis ng taumbayan sa mga ulopong na ito.

“Huwag na tayo magluklok ng mga artista, boksingero at elitista. Panahon na para suportahan ang mga kandidato na magsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at mamamayan.

#ManggagawaNaman”

May nagtanggol naman para sa mga artistang pumasok sa mundo ng pulitika.

“Ka Leody, kung ikaw ang alternatibo, sana naman may napatunayan ka na bukod sa pa-cool na soundbites at porma ng aktibista. Hindi lahat ng artista ay walang silbi, at hindi rin lahat ng self-proclaimed ‘para sa masa’ ay tunay na naglilingkod. Ang problema, mas madaldal pa kaysa kumikilos. Kung may mali si Robin, sabihan ng maayos — pero wag kang magmalinis na parang ikaw lang ang may karapatang mag-serbisyo. Baka nga mas may ambag pa yung artista kaysa sa mga taong puro rally, pero wala namang batas na naisulong o proyekto para sa mahihirap.”

May nagbigay naman ng payo sa aktor-pulitiko.

“Wag mo iyakan sen robin itama mo ang batas ng pilipinas at ipaglaban ang tama at karapatan mo bilang mambabatas.”

***

ECHO NAGBIGAY PUGAY SA MAMITA PILITA NI JANINE

NAGBIGAY pugay si Jericho Rosales para sa namayapang Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, ang mamita ng girlfriend na si Janine Gutierrez.

Sa Instagram ng aktor ay ibinahagi niya ang isang video ng kanyang ina habang kinakanta, “Ang Pipit” na isa sa mga awitin ni Pilita.

“?????? and big hugs to the family of a legend and most beloved singer of my mother. Her songs went beyond memory.”

“It was a great honor to have met her. Maraming-maraming salamat po.”

Wala pang makapagsabi kung nakabalik na ng Manila ang aktor para damayan ang girlfriend dahil kasalukuyan nagshushoot si Echo ng Quezon movie outside Metro Manila.

Pero ang communication ng EchoNine ay still strong, katunayan, bago pa ini-announce ni Janine na pumanaw na ang kanyang mamita ay nakatanggap pa siya ng bouquet of red roses sa boyfriend tanda na mahal na mahal niya ang apo ni Pilita.