Advertisers

Advertisers

BABAENG PWD SA PASIG HINDI UMANO PINUWERSA PARA SIRAAN ANG LGU

0 16

Advertisers

KINONDENA ng mga residente ng Pasig City si Mayor Vico Sotto sa akusasyon nitong mayroong pamumwersang panayam para siya ay siraan.

Ayon sa mga residente ng Pasig, ang mga nakapanayam ng media at vlogger kabilang ang babaeng PWD ay hindi umano pinilit para maglahad ng kaniyang pagkadismaya sa kasalukuyang administraayon ng lumgsod.

Boluntaryo umanong nagpahayag ng pagkadismaya ang mga ito at boluntaryo ang pagpapa-unlak ng panayam..



Ang mga naglalabasan na pahayag na pinipilit ang mga na-interview ay bahagi lamang umano ng gawa-gawang istorya ng kampo ng alkalde.

Ang totoo umano ay bigo ang kasalukuyang LGU na tuparin ang mga pangako nito sa nakalipas na anim na taon mula nang maging alkalde si Sotto.

Kinuwestyon ng mga netizen ang kawalan man lamang ng housing project o ospital na naipatayo sa lungsod.

Marami rin umano sa mga residente ang dismayado sa kawalan ng programa ng LGU na pakikinabangan ng nakararaming
Pasiguenos.

Sa halip ay nakatutok umano ang kampo ng mayor sa pagpapabango sa kaniyang reputasyon gamit ang Facebook at iba pang social media platforms.



Habang si mayoralty candidate na si Sara Discaya ay magpapatayo ng bago at modernong ospital, school supplies para sa mga estudyante, pagpapatayo ng mga dagdag na silid-aralan, pantay na pamamahagi ng tulong sa mga residente, healthcare para sa mga senior citizens, at mas marami pang benepisyo para sa mga taga-Pasig.